Kalat na: Kris Aquino planado na ang pagtakbo sa 2022 | Bandera

Kalat na: Kris Aquino planado na ang pagtakbo sa 2022

Ambet Nabus - April 21, 2019 - 01:05 AM

KRIS AQUINO AT NOYNOY AQUINO

KAHIT pa 10 dosenang beses sumumpa si Kris Aquino ng pananahimik sa social media, meron at meron siyang makikitang dahilan para bumalik, magsalita para magpasabog o magpahayag ng kanyang saloobin.

Sanay na sanay na ang sambayanan sa kanya at sa uri ng pakikipaglaban sa mga taong itinuturing niyang kaaway.

Kaya huwag na tayong magtaka kung sa mga susunod na panahon ay didiskarte lang iyan ng strategy para manatiling bahagi ng mga usapin sa lipunan, mula sa tax, hanggang sa kanyang mga anak, sa isyu ng politika, sa kanyang sakit at sa kademandahang Falcis brothers.

Ask any topic on Kris Aquino, at kahit si “Google” ay mahihilo sa dami! Ha-hahahaha!

 

“Aren’t we part of that so-called democracy?” tanong-sagot na pahayag naman ng kampo ni Cong. Edgar Erice, kaugnay nga ng naging reaksyon ni Kris sa umano’y pagsisisi nito sa utol na si dating Pangulong Noynoy Aquino kung bakit “talunan” sa nga survey si Mar Roxas.

Simpleng pagpapahayag lang daw kasi ng pagpili sa kulay na “blue” ng kampo ni Roxas ang ugat ng isyu, na pinagtatakhan nila kung bakit “big deal” sa gaya ni Kris?

“We just want to give Mar his own identity and color. In fact, kahit noon pa ay ginagamit na niya iyan, talunan man siya o hindi.

“Kakulay din iyan ng partido (LP), kaya’t nagtataka kami kung saan nanggagaling ang bayolenteng reaction niya. Pati mga comic characters na promote pa, eh figure of speech lang naman ang pagkakagamit,” bahagi ng pahayag ng isa sa kapartido ni Mar.

Nagamit nga sa naturang reaksyon ang mga karakter nina Batman, Robin at Ironman. Pero ang nakakalokang pahayag ng naturang kampo ay ito, “Well, if this is part of her grand plan for 2022, then so be it. Siya lang ba? It always appears kasi na siya lang ang marunong mag-react, magpahayag, sumagot at gumamit ng mga deklarasyong akala mo’y pag-aari nila ang demokrasya sa bansa.”

Yun na!

 

Dahil dito, hintayin daw natin na ang paglabas ng “endorsement” ni Kris sa mga kaalyado ng kapatid at ilang “pupusuan” nito mula sa hanay ng administrasyon, partikular na si Bong Go.

Imposible raw na hindi ito maglilitanya ng mga mamanukin niya before the national elections dahil yun naman daw talaga ang “tatak at imahe” ng mga gaya ni Kris.

Tatak din daw ni Kris ang makipaglaro dahil kahit noon pa man sa showbiz ay lantad na ang imahe nitong “makipag-kaibigan” sa mga artistang sumisikat at pinagkakaguluhan, kapagdaka’y nagiging “one of those” na lamang kapag medyo lumamlam na ang career.

“It’s (the decision) always with the people. Kung habambuhay na magpapagamit at magpapauto ang mga tao sa mga gaya nila na nais kontorlin ultimo ang damdamin ng pagpapahayag, then so be it. Kung sa ganyang direksyon nakasulat ang future ng bansang ito, sana lang ay lagi tayong handa,” makahulugan pang pahahag ng kausap namin.

Kaya ang suma total ng mga bangayan dito mga ka-BANDERA ay nasa ating mga boboto at maniniwala, magpapadala sa agos and yes, magpapaloko sa mga gustong manatiling mga hari at reyna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala nga naman dapat sisihin sa huli kundi tayo rin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending