Sylvia gusto pang mabuntis: Kakayanin ko para maging healthy ang baby

By Julie Bonifacio April 18,2019
share this

Sylvia gusto pang mabuntis: Kakayanin ko para maging healthy ang baby

By Julie Bonifacio April 18,2019
share this

SYLVIA SANCHEZ

PINASAYA ng mag-iinang Sylvia Sanchez, Ria Atayde at Arjo Atayde ang members ng entertainment press sa bonggang pa-thanksgiving ng kanilang pamilya.

Dito rin sa event na ito muli naming nakausap si Sylvia at nakita ang kanyang loving husband na si Papa Art Atayde.

Medyo nanibago kami sa built ng katawan ni Arjo nang makita namin siya. Last time na nakita namin siya ay sa presscon ng digital series na Bagman sa iWant. Nakasuot siya ng jacket that time kaya ‘di mapapansin ang kanyang pagpayat.

Pero nilinaw niya agad sa amin that he’s not on a diet. Konti lang daw siya kumain pero every two hours sumusubo siya. Kailangan din daw may laman ang tiyan niya dahil puyat siya palagi dahil sa taping and shooting.

True naman kasi halos walang pahinga si Arjo ngayon. Sunud-sunod ang pelikula niya, may on going teleserye, at may digital series pa siya. Sa first quarter pa lang ng 2019 ay dalawang pelikula na niya ang ipinalabas, ang “Tol” at “Stranded” with Jessy Mendiola.

Patuloy rin ang pamamayagpag sa rating ng primetime drama series nila na pinagbibidahan ni Angel Locsin, ang The General’s Daughter sa ABS-CBN. And until now, umaani ng magagandang reviews ang digital series niya na Bagman na balitang isa na ngayon sa most viewed sa iWant.

At bukod sa umaariba niyang career, super happy din ang lovelife ni Arjo with Maine Mendoza around.

Pero kahit anong pilit ng mga reporter na magkuwento siya about Maine, talagang ayaw na niyang magsalita at puro “no comment” lang ang isinasagot niya.

Marahil at gusto niya lang protektahan si Maine dahil ayaw na niya itong masaktan mula sa pamba-bash ng mga netizens na hindi boto sa kanilang relasyon. Less talk nga naman, ay less mistakes.

Fresh from winning the Best Actress award mula sa Sinag Maynila independent filmfest for her movie “Jesusa” si Sylvia nang humarap sa thanksgiving kasama ang equally-talented na mga anak.

Habang si Ria naman ay kabilang sa isa sa top-rating primetime drama series sa Kapamilya network, ang Halik starring Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos na malapit nang matapos.

Later on, naaliw na kami sa tsikahan with Sylvia, Ria at Papa Art. Tinanong namin si Ibyang kung may plano pa ba siyang magka-baby ulit dahil bukod sa magandang lahi nila ni Papa Art, e, super talented din ng kanilang mga anak.

Bukod kay Arjo at Ria, may dalawa pang kids sina Sylvia at Papa Art, sina Gela na into dancing naman at si Xavi na mas lalong pumupogi habang lumalaki.

“Ako, gusto ko pa,” mabilis na sagot ni Sylvia. Aminado siya na medyo nagkakaedad na rin siya bagaman she doesn’t look her age. Thanks to Beautederm, say niya sa amin. Feeling ni Sylvia keri pa niyang magbuntis.

Pero si Papa Art parang ayaw na niyang magka-baby ulit sila ni Ibyang. Katwiran niya, baka ‘pag pumapasok na sa school ang bata, mapagkamalan na raw siyang lolo ng anak nila.

Say ulit ni Ibyang, siya naman daw ang may katawan at pipilitin niyang maging healthy para magka-baby ulit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending