Kris hindi nag-iisa sa laban, suportado pa rin ng pamilya

By Cristy Fermin April 18,2019
share this

Kris hindi nag-iisa sa laban, suportado pa rin ng pamilya

By Cristy Fermin April 18,2019
share this


TOTOONG-TOTOO naman ang mga pahayag ni Kris Aquino tungkol sa importansiya ng pamilya.

Sabi nga, talikuran ka man ng buong mundo, basta nand’yan ang iyong pamilya ay hindi ka pa rin nag-iisa.

At dahil ulilang-lubos na nga silang magkakapatid ay sinu-sino pa ba naman ang magdadamayan kundi sila-sila na lang? Suportado si Kris ng kanyang mga utol.

Pero hindi na masyadong pumapasok sa eksena ngayon ang kanyang mga ate, sa dami na ng pinagdadaanang paghamon-problema ni Kris ay maraming nagtatanong, nasaan na ang mga kapatid niya?

Wala kasing nagsasalita tungkol sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktres-TV host, lalo na sa demandahan nila ni Nicko Falcis, sadya ba ang ginagawang pananahimik ng kuya at mga ate ni Kris Aquino?

Hinahanap kasi ng mga kababayan natin ang dating lantarang suportang ipinakikita ng kanyang mga ate kay Kris. Konting bagay lang ay nand’yan na agad ang kanyang mga kapatid, nagpapaliwanag, lalo na kapag ipit na ipit na sa isyu ang kanilang bunso.

May suportang tagung-tago lang, hindi na ipinagmamakaingay pa, pero hindi nawawala at palaging nand’yan lang anuman ang mangyari.

Ganu’n ang suporta at pagmamahal kay Kris ng kanyang mga kapatid. Simple lang. Walang ingay. Pero ramdam na ramdam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending