Julia game na game gumanap na Darna, handang mag-panty at bra sa audition

April 18,2019
share this

Julia game na game gumanap na Darna, handang mag-panty at bra sa audition

April 18,2019
share this

GAME rin palang gumanap si Julia Barretto ng Darna sakaling i-offer ito sa kanya ng Star Cinema matapos ngang umatras si Liza Soberano sa nasabing proyekto dahil sa finger injury.

“I’d do it! If there were auditions, I go to that audition in panty and bra just to do the project,” natatawang chika ng dalaga.

Wala pang napipili ang Star Cinema kung sino ang bagong gaganap na Darna pero malaki ang pasalamat ni Julia na isa siya sa mga sina-sabing nasa listahan na pinagpipilian ng netizens para gumanap sa iconic Pinay superhero.

“Thank you so much for thinking about me, I mean that’s a huge thing,” sey ng dalaga.

Pero mariing itinanggi ni Julia na ang dahilan ng kanyang pagpapaganda ng katawan ay para sa Darna.

“No because I’m also doing a film Block Z kasi hinahabol ko si Ge para pagdting ng premier night pareho kaming borta,” tugon ni Julia.

“I’m doing a film and it’s required to get fit, there’s a specific scene that my director ask me to get prepare for my arms for it,” pahayag pa niya.

Samantala, excited na si Julia sa pagtatambal nila ni Gerald Anderson sa pelikulang “Between Maybes.”

Kuwento ni Julia aprub sa boyfriend niyang si Joshua Garcia ang tambalan nila ni Gerald.

“Si Joshua and I, we already have talked about being also open to do solo films and projects and we both acknowledged naman na it’s for our own growth,” sey pa niya sa panayam ng ABS-CBN.

It’s a mutual decision, it was talked about, it’s not something we just jumped to do di’ ba, pinag-usapan. So i didn’t hesitate to do this both Josh and I are in same page. He’s also doing his solo film also,” paliwanag pa ni Julia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending