‘Dragon Lady’ pasok sa Top 10 ng Social Wit List

April 18,2019
share this

‘Dragon Lady’ pasok sa Top 10 ng Social Wit List

April 18,2019
share this

DAHIL palaging trending at hataw sa rating, pasok ang GMA Afternoon Prime series na Dragon Lady sa Social Wit List’s top 10 most-buzzed-about new shows worldwide para sa March 2019.

Ang Social Wit List ay mula sa New York-based international media business news website na WorldScreen.com. Ito ang nagbibigay ng ranking para sa top ten most-buzzed-about shows sa social media.

Kinukuha ang mga programang pasok sa listahan sa pamamagitan ng mga tweets at socmed posts ng mga netizens during the pilot episode.

Ang Dragon Lady, na isang fantasy-drama series na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez, ay pumasok sa ika-6 na pwesto na nakakuha ng mahigit 18,000 tweets.

According to the site, viewers applauded the show’s #TalentedMainActress, #BeautifulStory and #ProudOfTheChineseCulture, which were the buzz words that resonated with social media users.

Ang iba pang na nakasama sa listahan ng 2019 Social Wit List ay ang mga sumusunod: Programa de Maisa (SBT, Brazil), He is Psychometric (tvN, South Korea), Leaving Neverland (HBO, USA), Oprah Winfrey Presents: After Neverland (HBO, USA), O Aprendiz, (Rede Band, Brazil), After Life (Netflix, Global), Live – Non è la d’Urso (Canale 5, Italy), Argentina, tierra de amor y venganza (Canal 13 (El Trece), Argentina), Kilimanjaro: The Bigger Red Nose Climb (BBC One, UK).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending