NAGING ugali na na-ting mga Pilipino ang paglalagay ng pangalan, tirahan at telephone o cellular number sa ating mga maleta kapag tayo’y bumibyahe.
Lalo na ang ating mga OFW at mga first timer ‘ika nga. Pero maaari palang magdala sa atin ang ugaling ito tungo sa kapahamakan.
Nabubuhay na kasi tayo ngayon sa panahong napakadelikado. Napakasama na ng tao. Gagawin nila ang lahat upang makamit lamang ang bawat naisin nang dahil sa labis na kasakiman.
Tulad na lamang ng pagpupuslit ng droga. Maaaring hindi na nga sila gumamit ng mga tao na magbibitbit noon.
Ang mismong mga maleta ng biyahero ay puwede nang gamitin ng mga masasamang loob na ito.
May mga kakutsaba sila sa loob ng mga airport o paliparan na may access sa inyong mga maleta.
Kailangang maipasok lamang nila sa in-yong mga bag o maleta ang kanilang ilegal na mga droga.
Kukuhanan lamang nila ng litrato ang in-yong mga maleta at maging carry on luggages gamit ang ang kanilang cellphone na nagsisilbi ring camera, lalo na ang inyong mga name tag kung saan nakasaad ang inyong mga personal na impormasyon.
Maaaring kapag nalingat kayo, tiyak naipasok na nila sa in-yong mga bag ang mga ipinagbabawal na gamot.
Kapag nahuli ang bag na iyon na may lamang droga, tiyak sasabit ang may ari ng nasabing bag.
Pero kung makakalusot naman at hindi nahuli ang nasi-ngitang bag, mabilis na mahahabol iyon ng sindikato.
Pupuntahan lamang nila ang address ng may ari ng maleta at kukunin sa kanya ang drogang naipuslit.
Natural na hindi magiging madali iyon. Hindi naman kasi basta papayag na lamang ang kababayan nating bulatlatin ang kaniyang maleta at personal na mga kagamitan.
Pero kung hindi naman siya papayag, iba-black mail siya ng mga iyon at
sasabihing
isusuplong sa mga pulis dahil alam nilang may dalang droga ito.
Masakit nito ay kung daanin sa dahas, yung patayin na lamang ang may-ari ng bag para makuha ang kanyang maleta.
Maiiwasan sana ang bagay na ito kung walang puwang sa inyong mga maleta na maaaring mabuksan at singitan ng mga ipainagbabawal na mga drogang ito.
Hindi rin maaaring puntiryahin ang inyong mga maleta kung hindi maglalagay ng impormasyon sa inyong mga name tag.
Ayon pa nga sa mga awtoridad, sapat nang ilagay lamang ang inyong pangalan, mobile number at email address upang mabilis kayong makontak.
Kahit gaano pa tayo kaingat sa ating mga gamit, ngunit hindi natin namamalayan, na tayo na rin mismo ang nagbibigay ng oportunidad sa mga masasamang loob na mabiktima tayo.
Maging alisto sa lahat ng panahon kapag nasa mga paliparan. Huwag dadampot ng anumang bag o gamit na naiwan ng iba. Maaaring patibong iyon at tiyak na ikapahamak pa ninyo.
Kung nawala naman ang inyong mga bagahe, agad ipagbigay alam sa mga awtoridad ng paliparan upang maiwasan na maging biktima ng mga pakalat-kalat na miyembro ng sindikato sa airport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.