Clint, Gabby patalbugan ng abs, muscles sa ‘Love You Two’
WAITING na ang mga beki sa unang teleserye ng dating boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at hunk model na si Clint Bondad.
Sa trailer pa lang kasi ng bagong Kapuso series na Love You Two ay naghubad na agad si Clint kaya naman atat na atat na siyang mapanood ng mga bading.
Ayon sa binata, talagang pinaghandaan niya ang nasabing serye dahil may mga eksena pa sila ni Gabby Concepcion kung saan magpapatalbugan sila ng muscles at abs.
“Pinaghahandaan ko na talaga ‘yung topless scenes. Kapag sinabi nga like tomorrow, may scene ka, nagde-dehydrate na ko, walang suot, walang water,” kwento ng binata.
Kuwento ni Clint, personalized lahat ng kanyang ginagawa para mapanatiling fit and healthy ang kanyang katawan.
“Lahat ng ginagawa ko is personalized. ‘Yung food ko, ‘yung training ko, ‘yung recovery ko, pero main focus sa training is power lifting,” aniya.
“Araw-araw ako nagwo-workout but it’s not actually as intense for the most people.
“Iniisip nila ‘yung fitness, kailangan mong i-push ‘yung katawan mo, pero sa ‘kin playing, meditation, parang, relaxation time ko, mga 30 minutes to 40 minutes bago ako matulog, para mapababa ‘yung heartbeat, and para ma-relax ‘yung spirit ko,” paliwanag ng Kapuso hunk.
Magsisimula na sa darating na Lunes ang Love You Two sa GMA Telebabad at bukod sa patalbugan ng katawan, mag-aagawan din sina Gabby at Clint sa kanilang leading lady na si Jennylyn Mercado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.