Male singer negang-nega, nagkasala na maangas pa | Bandera

Male singer negang-nega, nagkasala na maangas pa

Cristy Fermin - April 17, 2019 - 12:40 AM

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin tinatantanan ng kanyang mga tagahanga ang isang male singer na nagpakita ng kaangasan sa harapan mismo ng publiko.

Mensahe ng mga naiinis sa male singer, sa halip kasing tanggapin niya ang kanyang pagkakamali ay mayabang pa siya, kaya lalo siyang inuupakan.

Maraming nagtataka-nagtatanong kung bakit ang isang dating mahiyaing male singer ay nagkaganyan ang ugali. Malayo na siya sa kanyang dating imahe.

Kuwento ng aming source, “Naaalala kasi ng marami ang dating siya. Mahiyain, simple lang, walang kaangas-angas. Dati nga, sa mga shows kung saan siya nagiging guest, e, nakaupo lang siya sa isang sulok.

“Tatayo siya para bumeso sa mga kakilala niya, pero tahimik lang siya talaga sa dressing room, napakasimpleng bata. Marespeto rin siya, magandang magsalita, kaya nagtataka ang mga nakasubaybay sa kanya kung bakit siya nagkaganyan!

“Dahil ba ‘yun sa mga bago niyang nakakasama? Influence ba ‘yun ng mga bagong tropang nakakasama niya?” simulang chika ng aming impormante.

Matindi ang galit niya sa isang male singer na nakasabayan niya sa isang malaking pa-contest. Kung ano ang ikinagagalit niya sa male singer ay tanging siya lang ang nakakaalam.

Balik-kuwento ng aming source, “Ang nakakalungkot lang, instead na pasalamatan niya ang pamilya ng male singer na ‘yun, e, kung bakit palagi niyang inuupakan nang patalikod ang ka-batch niyang singer.

“Napakatahimik nu’ng bata, very secure sa sarili niya, walang inaaway, basta nagtatrabaho lang siya!

Bakit siya galit na galit du’n, e, hindi naman siya inaano?

“Alam n’yo bang sobrang concerned sa kanya ang family ng male singer na ganu’n na lang kung pagtripan niya? Inalagaan siya ng family nu’n. Talagang inalagaan siya nu’ng ongoing pa ang laban.

“Kaya napakasama ng loob nu’ng family ng male singer kung bakit siya nagkakaganyan. Meron lang siyang sumikat na kanta, e, nagkaganyan na siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ipatapon n’yo na nga lang sa buwan ang damuhong maangas na ‘yan!” pagtatapos ng aming source.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending