Kris dumepensa kay Noynoy: Bunso akong nasaktan, inapakan n’yo ang kapatid ko…

By Alex Brosas April 16,2019
share this

Kris dumepensa kay Noynoy: Bunso akong nasaktan, inapakan n’yo ang kapatid ko…

By Alex Brosas April 16,2019
share this

KRIS AT NOYNOY AQUINO

TWO days lang after siyang mag-post na hindi na siya mag-i-Instagram ay hindi napanindigan ni Kris Something ang kanyang salita.

In the guise of defending her brother, she posted a lengthy message dahil feeling niya ay inapi ang kanyang brother na si Noynoy.

Nag-react siya sa chikang nalaglag si Mar Roxas dahil sa pagiging dilawan nito.

“I archived my other post not because i don’t stand by everything i said, but because ma respeto akong pinakiusapan ni @kiko.pangilinan ng ‘ceasefire.’ Please know this about me, when i have seen a person is GENUINE, madali akong kausap, kaya kong magbigay.

“Bunso akong nasaktan dahil sa nabasa ko: inapakan ang pagkatao ng kapatid ko, na nanatiling tapat sa taong paniwala syang totoong kaibigan nya.

“Nung nilaglag sya ng ganun ganun lang – pumalag ako. Pero mag react man ako, mabubura ba nun yung sugat sa puso ni Noy na alam kong sa pagkatao nya never tayong makakabalita ng kahit anong sama ng loob? Baka mas lalo pa syang masaktan dahil alam nyang kaming mga kapatid nya nadurog ang puso para sa kanya.”

Ang nakakaloka, nag-post pa siya ng pictures niya para kaawaan siya ng netizens.

“I accompanied this post w/ a few selfies from a couple of nights ago because i was checking on my neck & eyes because of my health issues. Walang filter, walang inayos, yung swollen lymph nodes in my neck, yung face na lubog na sinusubukang itago sa inyo- nilabas na lang. Kasi ayokong mabuhay na niloloko kayo at ang sarili ko. Yun ang kaya kong panghawakan- NEVER KONG binlame sa iba ang pagkadapa at pagkatalo ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending