Bong mala-heartthrob na tinilian ng mga taga-Pandi, Bulacan | Bandera

Bong mala-heartthrob na tinilian ng mga taga-Pandi, Bulacan

Cristy Fermin - April 16, 2019 - 01:05 AM

BONG REVILLA

Iba pala kapag personal mong nasaksihan ang pagtatalumpati ni dating Senador Bong Revilla sa entablado de kampanya. Sa pag-akyat niya ay parang isang heartthrob ang nakita ng audience.

Walang tigil ang mga sigawan at palakpakan, ibang-iba ang dating ng aktor-pulitiko, matagal kasi siyang na-miss ng ating mga kababayan.

Madidiin ang mga salitang pinakakawalan ng dating mambabatas, ikinuwento niya ang mahigit na apat na taong pagkakulong niya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, akala raw niya nu’n ay hindi na muling sisikat ang araw ng pag-asa para sa muli niyang pagtakbo bilang senador.

Mula umpisa hanggang sa pinakadulo niyang talumpati ay binantayan namin.

Ginanap ‘yun sa proclamation rally ng HNP sa Pandi, Bulacan sa pamumuno ng aming anak-anakang inaasinta uli ang pagka-mayor ng bayan, kitang-kita rin namin ang maalab na pagtanggap ng mga Pandieño sa kanilang minamahal na si Mayor Enrico Roque, ang dalawang termino nilang mayor na nagbigay-sigla sa kanilang kabuhayan.

Hindi parehas ang takbo ng pulitika sa Pandi, Bulacan, usung-uso du’n ang fake news, maraming pinalulutang na kuwento ang mga katunggali ni Mayor Enrico na hanggang pagbibintang lang naman at walang ebidensiya.

Nu’ng Linggo nang gabi ay lumundag na nang malayo ang aming isip.

Ganu’ng-ganu’n ang nakita naming senaryo nu’ng 2010 at 2013 nang maluklok na mayor ng bayan si Mayor Rico, sineselyuhan na nu’ng gabing ‘yun ang muli niyang pagbabalik sa munisipyo ng Pandi na pinasikat ng kanyang Amana Water Park na dinadayo maging ng mga turista.

Parehong na-miss ng kanilang mga tagasuporta sina dating Senador Bong at Mayor Enrico Roque, mas matamis ang pagbabalik, na ngayon pa lang ay nakatadhana na para sa kanilang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending