Sikat na male star sirang-sira dahil sa pera, niloko pati sariling pamilya

By Cristy Fermin April 16,2019
share this

Sikat na male star sirang-sira dahil sa pera, niloko pati sariling pamilya

By Cristy Fermin April 16,2019
share this

IBANG klase talaga kapag bumulong ang salapi sa isang tao. Lahat ay kanyang gagawin, lahat ng sakripisyo ay kanyang tatanggapin, mapasakanya lang ang matagal niyang mithiin.

Masamang-masama ang loob ng kanyang mga kapamilya sa isang kilalang male personality na mga bata pa lang sila ay mahilig nang manglamang sa kanyang mga kadugo.

Kuwento ng aming source, “Talagang mapagsamantala na siya kahit nu’ng mga bata pa lang silang magkakapatid. Kahit sa food, mapanglamang na siya, hindi na lang siya sinisita ng mga kapamilya niya.

“Imagine, nagtatago siya ng pagkain para may nadudukot siya sa gabi. Marami silang magkakapatid na dapat maghati-hati sa pagkain, pero talagang gumagawa siya ng paraang makuha ang sobra-sobra para sa pansarili niyang interes.

“Sukat na ng mga kapatid niya kahit nu’n pa ang ugali niya, nagkataon lang na ayaw ng parents nila na nag-aaway-away sila, kaya lumaking mapanglamang sa mga utol niya ang male personality,” unang chika ng aming impormante.

Nu’ng lumalaki na ang magkakapatid ay naging artista ang kanilang utol. Sumikat siya, as in, heartthrob talaga siya nu’ng kanyang kapanahunan. Tinitilian siya ng mga kababaihan.

Patuloy ng aming source, “Kuripot ang lolo n’yo! Malaki ang kinikita niya, very in-demand siya nu’n, pero ni hindi siya nagsi-share sa mga utol niya!

“Sinasarili lang niya ang mga biyaya, pati nga ang giveaways na lang, hindi siya nagbibigay sa mga kapatid niya! Model siya ng isang clothing line nu’n, napakarami niyang supply na t-shirts, pero nakatago lang ‘yun sa kuwarto niya!

“Kaya hindi na nakapagtataka ang problemang pinagtatalunan nila ngayon tungkol sa isang property.

Sinolo kasi ng lolo n’yo ang pinagbentahan ng lote, kaya nagwawala ang mga kapatid niya.

“Hanggang ngayon ba naman, e, ganyan pa rin siya? Parang nakikita na namin ang pagtataas ng kilay ng isang sikat na female personality na kabisado rin ang kartada niya!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ano ba? Kailangan n’yo pa ba naman ng clue, e, bigay na bigay na kung sino siya?” nakataas ang kilay sa tenth floor na kuwento ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending