Jennylyn napalaban sa comedy sa ‘Love You Two’

By Jun Nardo April 16,2019
share this

Jennylyn napalaban sa comedy sa ‘Love You Two’

By Jun Nardo April 16,2019
share this

GABBY CONCEPCION, JENNYLYN MERCADO AT SHAIRA DIAZ

Isang tele-pelikula naman ang handog ni Jennylyn Mercado sa pagbabalik niya sa mundo ng romcom, ito ang latest Kapuso series na Love You Two na mapapanood na sa April 22 sa GMA Telebabad.

Eh, swak na swak kay Jen ang bagong tele-pelikula dahil nga nang gumawa siya ng romcom eh, sobrang husay niya kaya binansagan siyang RomCom Queen.

Of course ang galing ng Ultimate Star sa romcom ay natuklasan nang gawin niya ang pelikulang “English Only, Please” with Derek Ramsay.

Nagmarka sa manonood ang eksenang waiting siya ng jeep habang sumisigaw ng, “Oo, single na ako!”

Sinundan ‘yon ng romcom-drama na “Walang Forever” with Jericho Rosales at ang huli nga ay ang festival movie na “All of You” with Derek again.

Eh, madalas na drama ang nagawang series ni Jen sa Kapuso. Pero this time, manggugulat siya sa bagong character niya lalo na’t first time niyang makakasama si Gabby Concepcion na napalaban din sa comedy at pagpapakilig.

Experience tele-pelikula sa latest Kapuso series at muling namnamin ang galing ni Jen bilang RomCom Queen!

Makakasama rin sa Love You Two si Shaira Diaz, ang gaganap na kapatid ni Jennylyn na mai-in love rin sa karakter ni Gabby. Kaya magandang abangan kung paano masisira ang relasyon ng magkapatid nang dahil lang sa isang lalaki.

Magsisimula na ito sa April 22 sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending