Enchong naka-briefs lang nang rumampa: Hindi na ako nahihiya!
NASA Europe ngayong Semana Santa si Enchong Dee hindi para magbakasyon kundi para asikasuhin ang isang mahalagang bagay.
Sa Zurich ang tungo ng Kapamilya actor, “This is the first time na magbabakasyon ako na may titingnan akong something, may purpose ‘yung travel ko hindi lang siya basta vacation.”
Ang dahilan ng pagpunta ni Enchong sa Zurich ay may kinalaman sa negosyo dahil may gusto siyang pag-aralan. Alam nating lahat na ang nasabing lugar ang global center para sa banking and finance.
Pagnenegosyo at guetings muna ang inaatupag ni Enchong habang wala pa siyang regular show sa ABS-CBN.
Pero may pelikula siyang ginawa na idinirek ni Adolf Alix, Jr. kasama ang beteranang aktres na si Ms. Anita Linda.
“I’m with the lady of my dreams, Anita Linda. So, I’m really excited hindi ko pa alam kung saan pupunta and I’m still waiting for the news and sana, sana. Ang sarap ng nangyari sa shooting.
“May isa pang shooting day. Gagampanan ko ang role na apo ni Ms. Anita Linda,” sambit ng aktor nang makatsikahan namin sa Men’s Club by Avon event para sa latest campaign nilang Gentleman Up.
Isasali ang pelikula nila ni Ms. Anita sa isang film festival pero hindi naman nabanggit sa amin ng aktor kung ano at saan dahil wala pang ibinibigay na detalye sa kanya.
Inamin din ng binata na kung sakaling magkaroon siya ng programa sa Dos ay gusto naman niya isang game show.
“Gusto ko talagang mag-host pero iba ‘yung hosting nina Luis (Manzano), sobrang magagaling sila pagdating sa mga ganu’n. Game show ang gusto ko, parang Who Want’s To Be A Millionaire or Game KNB type, or educational game show sana,” say ni Enchong.
Sabi namin sa kanya, sana ipirating niya sa management ang wish niya na sinagot naman ng aktor ng, “Kapag may lakas na ako ng loob. Ha-hahaha!”
Samantala, hiyawan at malalakas na palakpak ang sumalubong kay Enchong nang rumampa siyang naka-underwear lang sa nakaraang Men’s Club by Avon na ginanap sa Shooting Gallery Studio, Zapote Street, Makati City.
Hindi nakitaan ng consciousness si Enchong habang rumarampang naka-briefs dahil katwiran niya ay sanay na siyang magsuot nito dahil dati siyang lumalaban sa swimming competition.
“This is the first time na naka-briefs (ako) sa Avon, dati kasi sa Bench, hindi naman ganito ang suot ko,” saad ng aktor. “When I was just starting I really wanna do something like this kasi natural lang sa akin ito o hindi bastusin para sa akin na naka-underwear lang ako kasi for the longest time, I’ve been competing with basically just wearing trunks,” saad ni Enchong.
Noong nasa kolehiyo pa ang binata ay laman siya ng swimming pool dahil napasama siya sa UAAP men’s fly 100 at nakamit ang MVP titles bukod pa sa mga gintong medalyang nainuwi niya. Kinuhang representative ng Pilipinas sa SEA Games at Asian Games pero ito na ‘yung panahong napunta na siya sa showbiz.
“Kaya nu’ng i-offer sa akin ang Avon, I said yes kaagad kasi kahit underwear alam ko kung paano dalhin na hindi bastusin,” aniya.
Ano ang masasabi ng aktor sa modern gentleman na concept ng nasabing brand, “A modern gentleman definitely has kindness. Marunong kang makisama kahit mababa ang kinatatayuan ng isang tao or malayo ang naabot ng isang tao. It doesn’t matter as long as how you know to treat them properly, treat them with kindness.”
Bukod kay Enchong, nakasama rin niyang rumampa sa nasabing undergarments fashion event sina Daniel Matsunaga at Tanner Mata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.