Migo napatawad na ng mga fans; mas lalo pang pinagnasahan ng mga beki
SA kabila ng kinasangkutang kontrobersya kamakailan, marami pa rin ang sumusuporta sa Kapuso young actor na si Migo Adecer.
Nag-sorry na naman kasi ang binata sa mga taong nasaktan at naapektuhan sa insidenteng naganap habang nagmamaneho siya ng kanyang sasakyan. At mukhang pinatawad na rin siya ng publiko sa nangyari.
Sa mga nababasa naming comment sa social media, may mga nega pa rin pero mas marami ang nagpaabot ng magaganda at positibong mensahe para kay Migo.
In fairness, mas dumami pa nga ang mga girls at beki na nagpapantasya ngayon kay Migo dahil sa kanyang hot and hunky look. Ilang netizens pa ang nagsabi na mas naging yummy si Migo ngayon dahil sa kanyang abs at muscles.
At sa katunayan, puring-puri siya ng netizens at manonood dahil sa epektibong pagganap niya sa epic dramaseryeng Sahaya ng GMA bilang si Jordan, ang taga-Maynila na nagligtas kay Sahaya, na ginagampanan ni Bianca Umali.
Medyo may pagkamayabang at may kaangasan ang role ni Migo sa serye pero paliwanag niya, may pinanggagalingan at malalim na hugot kung bakit nagkaganu’n si Jordan.
“It’s a little hard kasi lahat ng roles ko dati, it doesn’t really have the mayabang vibe. I feel like Jordan will have his moments, na parang mayabang siya.
“I’ve played characters na mischievous, like si Sam sa The One That Got Away. There was one character na medyo snobbish out of rebellion, si Yuan from My Love From The Star.
“So I’m mixing Sam, his flirty, charming personality, and then ‘yung angas ni Yuan. I feel like if I mix them, just like the gas and the clutch of the car, I might be able to make the car move, and form Jordan,” pahayag ni Migo sa panayam ng GMA.
Ready na rin ang binata sa mas daring and challenging roles, “At the moment, I feel like I’m just taking such small steps and maybe it’s time for me to take bigger leaps. I’ll invest in smaller things because the risk is smaller, and almost a hundred percent I’ll succeed.
“But I realized na ito talaga ang gusto kong gawin, ang trabaho na ‘to. So I told myself, how am I supposed to feel accomplished if I don’t take bigger risks?
“If I’m always playing it safe, then I’m not really challenging myself. The workshops that GMA has been giving me, it has really taught me to get out of my comfort zone,” chika pa ni Migo.
Samantala, sa pagpapatuloy ng Sahaya, abangan kung paano mag-aagawan sina Migo bilang Jordan at Miguel Tanfelix as Ahmad kay Sahaya.
Tiyak na magkakaroon na ng Team Jordan at Team Ahmad kapag nagkrus na ang landas ng tatlong pangunahing karakter sa Sahaya na napapanood sa GMA Telebabad after Kara Mia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.