Richard Yap ayaw i-share ang love story sa publiko pero napilit ng #MPK; Kate, Migo biktima ng 'witch' | Bandera

Richard Yap ayaw i-share ang love story sa publiko pero napilit ng #MPK; Kate, Migo biktima ng ‘witch’

Ervin Santiago |February 12,2021
facebook
share this

Richard Yap ayaw i-share ang love story sa publiko pero napilit ng #MPK; Kate, Migo biktima ng ‘witch’

Ervin Santiago - February 12, 2021 - 09:25 AM

BILANG pagsalubong sa Valentine’s Day, may inihandang regalo ang GMA para espesyal na episode ng “Magpakailanman” — ang “The Richard Yap Love Story” ngayong Sabado, Peb. 13.

Tunghayan sa drama anthology ni Mel Tiangco ang makulay at inspiring na kuwento ng pag-iibigan ng magkaibang lahi at paniniwala.

Dahil ipinagbabawal sa tradisyon ng mga Chinese ang mag-asawa ng hindi nila kalahi lalo na sa anak na lalaki, matinding pagsubok ang pagdaraanan ng mga bida masunod lamang ang puso.

Gaganap bilang Richard Yap ang Kapuso actor na si David Licauco habang ang aktres na si Shaira Diaz naman ang magbibigay-buhay sa karakter ni Melody Leva-Yap.

Siguradong kikiligin at mas mai-in love pa kayo ngayong love month sa kuwento ng pagmamahalan na mauuwi sa pagpili sa pagitan ng pamilya at kaligayahan sa pag-ibig.

Tampok din sa #MPK episode na ito sina Ricardo Cepeda at Joyce Ching.

Mula sa mahusay na direksyon ni Don Michael Perez, huwag palampasin ang “The Richard Yap Love Story” sa #MPK bukas pagkatapos ng “Catch Me Out Philippines” sa GMA 7.

Samantala, inamin ni Richard na nagdalawang-isip silang mag-asawa na ibahagi sa publiko ang kanilang life story.

“We were asked if we wanted to share our story. Noong una, ayaw namin pero na-convince din kami in the end. Sabi nila kasi it might be inspiring for others to hear about it,” sabi ni Richard sa panayam ng GMA.

“Baka nga makatulong kami sa mga ibang couples who are in the same boat,” aniya pa.

* * *

Ngayong Sabado na rin mapapanood ang tambalan nina Migo Adecer ay Kate Valdez sa second installment ng GMA Public Affairs’ show na “My Fantastic Pag-ibig.”

Titled “Exchange of Hearts,” Migo and Kate bring life to the story of Popoy and Celine, a long-time couple on the verge of breaking up because of their different personalities.

“I will be playing the role of Celine, Popoy’s ambitious girlfriend. She’s very decisive and mataray. Pakiramdam niya hindi niya nasasabayan ang chill niyang boyfriend,” pahayag ni Kate.

Sa nakatakda sana nilang 4th-anniversary vacation, nagdesisyon si Celine na makipaghiwalay na kay Popoy.

Kuwento naman ni Migo, “Popoy is a happy-go-lucky guy. No matter what happens, ‘yung negative sa world, nothing will take away his joy and positivity. He’s a person who doesn’t like giving up and he will always find a way.”

Something unexpected happens to Celine and Popoy when they meet a plantita na isa palang witch. At dito na nga magsisimula ang kanilang love story with a Valentine twist.
Makakasama rin sa romance fantasy anthology na ito sina Maureen Larrazabal, Jordan Herrera, Kevin Sagra at Karenina Haniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “My Fantastic Pag-ibig” tuwing Saturday, 7:30 p.m. sa GMA News TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending