Class opening sa kolehiyo pagsabay-sabayin sa Agosto
NAIS ng isang solon na magkaroon ng iisang pamantayan sa pagbubukas ng klase sa lahat ng eskuwelahan sa bansa.
Inihain ni 1-Ang Edukasyon Rep. Bong Belaro ang House bill 4044 ang panukala bago pa man nagpalabas ang Commission on Higher Education ng utos upang magsabay-sabay ang bukas ng klase sa lahat ng State Universities and Colleges at iba pang tertiary schools na pinatatakbo ng gobyerno sa Agosto.
“Starting both the academic year and fiscal year in August in the SUCs follows sound budget logic because these schools should start classes with their respective budgets available for disbursement,” ani Belaro.
Sinabi ni Belaro na magkakaroon din ng sapat na oras ang mga nagtapos ng senior high school para maghanda sa pagpasok sa kolehiyo.
“When the national budget bill is approved, it takes a few months before tons of paperwork go through the budget release process. With free college education now in place, that means about 2 million sets of documents which have to be processed and this takes up time,” paliwanag ni Belaro.
Mabibigyan din umano ng oras ang mga SUC upang makapaghanda sa pasukan at maiayos ang budget nito para sa mga scholars at payroll ng faculty.
“An August start of school at all levels would mean all schools have a common beginning and ending which gives everyone a common vacation season for scheduling family vacations and bonding. Students and their families also need leisure time to recharge.”
Ayon sa Department of Education masyadong mainit sa mga paaralan kapag summer kapag minabuti nila na panatilihin ang pagsisimula ng klase sa Hunyo at magtatapos ng Marso o Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.