Maangas na female celeb na biglang yaman mas lalong yumabang, walang utang na loob

By Cristy Fermin April 15,2019
share this

Maangas na female celeb na biglang yaman mas lalong yumabang, walang utang na loob

By Cristy Fermin April 15,2019
share this

MARAMING anekdotang naaalala ang isang malaking umpukan tungkol sa isang female personality na sinuwerteng magkaroon ng career kung kailan nagkaedad na siya.

Bagets siya nang magsimulang mag-artista, kumakanta siya nu’n pero sintunado, malakas lang talaga ang kanyang loob kaya nagkakaraket din siya sa mga fiesta sa malalayong probinsiya.

“Nakakalorky ang babaeng ‘yun! Marami siyang kuwento ng kababalaghan! May drama pa siya na isang araw daw, e, titingalain siya dahil super-yaman na niya!

“Dahil hirap na hirap siya nu’n sa datung at utang nang utang sa mga kaibigan niya at kahit sinong kakikilala pa lang niya, e, gumawa siya ng script!

“May libu-libong ektarya kuno ng lupa ang namatay niyang lolo, sa kanila raw ‘yun ipamamana, kaya kapag nangyari ‘yun, e, bilyonaryo na siya!

“Ganu’n ang palutang niya! Pero hanggang ngayon naman, e, wala ‘yun, parang kinalimutan na niya ang press release niya! Hindi naman kasi totoo ‘yun, nagdrama lang siya!” unang chika ng isang miron sa malaking umpukan ng mga taga-showbiz.

Kilala rin siya ng grupo bilang babaeng sagana sa kaangasan. Hindi pa man niya hawak ang sinasabi niyang biyaya ay nakabando na agad ‘yun.

“Ganu’n na siya kahit nu’n pa, nauuna ang press release niya bago mangyari ang ipinagmamayabang niyang kahit ano! Wala lang, gusto lang niyang magyabang, ganu’n lang!

“Pressured kasi siyang maghabi ng mga kuwento, kasi, hindi siya nakikipagkaibigan sa maliliit, very selective ang pakikipagkaibigan niya. Mayayaman ang gusto niyang kinakaibigan.

“Bakit kamo? Para nga naman kapag nangailangan siya, e, may sagot agad! Paano kung wala ring katulad niya ang friends niya, e, di pare-pareo lang silang waley?

“Ngayong may career na siya, e, nagtatawanan lang ang mga dati niyang nakakasama. Nakalimot na kasi siya! Ni hindi nga niya nakukumusta ang mga taong kahit hatinggabi na, e, ginigising pa niya nu’n dahil puputulan na sila ng ilaw kinabukasan!

“Kung gaano kalaki ang ulo ng babaeng ‘yun, e, ganu’n din kalapad ang katawan niya! Aanhin mo nga naman ang mansiyon kung malaki naman ang iyong puson!” humahalakhak pang pagtatapos ng aming source,

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mauupo pa kaya kayo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending