Pia Wurtzbach no. 1 income earner sa kanyang distrito sa QC; personal na nagbayad ng tax sa BIR
DAPAT gawing role model ng mga celebrities si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach pagdating sa pagbabayad ng tax.
Ayon sa report ng BIR, si Pia ang number one revenue earner sa kanyang distrito sa Quezon City.
Kuwento ni Pia, hindi na siya nagpaabot ng April 15 deadline sa pagsunod sa kanyang obligasyon bilang mamamayan ng Pilipinas.
Talagang personal siyang nag-file ng kanyang income tax return sa BIR nitong nakaraang April 11.
Sinabi pa ng TV host-actress obligasyon ng bawat Filipino ang pagbabayad ng buwis sa tamang halaga at sa tamang oras.
“Hindi naman dapat pinag-iisapan pa yan. Talaga namang dapat nagbabayad tayo ng buwis at dapat talaga on time,” sabi pa ng beauty queen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.