Joyce nag-effort sa b-day surprise para kay Juancho | Bandera

Joyce nag-effort sa b-day surprise para kay Juancho

Bandera - April 12, 2019 - 12:30 AM

JUANCHO TRIVIÑO AT JOYCE PRING

Tuloy ang pagpapakilig at paghahatid ng good vibes ng tambalang Juanchoyce sa mundo ng telebisyon at social media.

Kamakailan ay sinorpresa ng Unang Hirit host na si Joyce Pring ang kanyang co-host at suitor na si Juancho Trivino sa Tagaytay para sa 26th birthday ng binata.

In fairness, naghanda talaga si Joyce para i-celebrate ang kaarawan ng kanyang manliligaw kasama ang malalapit na kaibigan ng aktor at ang kanyang pamilya.

“Ayun na nga, nabawian na naman ako. Sinabi sa akin ng handler ko na may event raw ako sa Tagaytay ng April 6, may script pang na-send s akin at lahat-lahat, so akala ko totoo,” ani Juancho sa kanyang Instagram post.

“Pagpunta ko, andon na pala lahat ng mga kaibigan ko at pamilya ko.

“She has been wonderful to me and more than anything I love and appreciate the small and even grand gestures like this from the both of us ’cause it makes us happy and life is too short to always be stressed.

“So maraming salamat @joycepring for my birthday bash it was wonderful!!!” mensahe pa ng Kapuso hunk actor sa pag-e-effort ni Joyce na pasayahin siya.

Sa kanyang Instagram account naman, ibinandera ni Joyce kung paano niya pinaghandaan ang birthday surprise niya para kay Juancho.

“Binook ko sa RM ni Juancho na si Kuya Rap yung weekend niya for an ‘event’ para masurprise namin siya ng mga mahal niya sa buhay.

“Tapos sinabi ko may Dubai ako para wala talaga siyang clue. Nagpagawa pa ako ng poster ng kunwaring event ko. Pati nagpunta sa airport para makapag stories na nasa loob ako ng departure area.

“Sumulat din ako ng ‘script’ niya for his ‘event’ with matching email from an ‘event organizer.’

“Nag-text sa akin yung Mommy ni Juancho nung mga hapon na of the part, sabi sa akin, ‘Pagbaba ko sa sala naka harap sa mirror si Cho nag pa-practice ng spiels niya for his event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Surpise, Juanchoy! Malapit na talaga, konting hintay na lang… malapit na birthday mo,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending