Arci Muñoz mas feel maging babaeng Ahas kesa sumigaw ng ‘Darnaaaa!’
MAS feel ni Arci Muñoz na gumanap na Valentina, ang babaeng ahas, kesa lumunok ng bato ay sumigaw ng “Darnaaaa!!!”
Sa press preview ng bagong digital series ni Arci sa iWant, ang comedy-fantasy na John En Martian katambal ang komedyanteng si Pepe Herrera, marami ang nagsabi na pwedeng-pwede rin siya bilang kapalit ni Liza Soberano sa bagong movie version ng Darna.
In fairness, habang pinanonood namin ang John En Martian, naisip din namin na pasado rin ang aktres na mag-Darna dahil bukod sa seksi na ay may acting din si Arci plus the fact na kering-keri rin niya ang mag-action.
“Naniniwala ako na magagawa pa ni Liza ‘yung Darna. Kung papipiliin ako kung sino ang gusto kong Darna, huwag ako. Huwag ako kasi malaki ‘yung space na kailangan kong punuan. So ang makakagawa niyan, Liza or Ate Angel (Locsin). Gusto ko Valentina,” aniya sa isang panayam.
Samantala, inuulan ng blessings ngayon si Arci dahil bukod sa maganda ang resulta sa takilya ng pelikula nila ni JM de Guzman na “Last Fool Show”, heto’t may bago na naman siyang project, ito ngang original iWant series na John En Martian na mapapanood na sa April 14, Sunday. Bukod pa yan sa upcoming teleserye niya sa ABS-CBN.
Nabigyan kami ng chance na mapanood ang first two episodes ng John En Martian sa ginanap na press preview kamakalawa sa ABS-CBN Studio XP sa Trinoma Mall, and in fairness, laugh kami nang laugh sa mga nakakalokang eksena nina Arci at Pepe.
Refreshing ang kuwento ng John En Martian na tungkol sa isang simpleng lalaki na pangarap makapag-abroad at sa alien na tumakas sa planetang Mars pero nasira ang spaceship na kanyang sinasakyan at napadpad sa Earth.
Simula pa lang ay aliw na aliw na kami kina Pepe at Arci, hindi namin in-expect na matindi rin pala ang chemistry nila. Ang galing-galing ni Arci bilang alien sa serye at bagay na bagay sa kanya ang role, wala kaming maisip na ibang aktres na kasing-luka luka ng dalaga na makakagawa ng mga kabaliwang eksena niya sa JEM.
May eksena ni Arci sa swimming pool kung saan kinopya niya ang swimsuit ng isang babaeng tagalupa, dito niya pinatunayan kung gaano siya kaseksi ngayon at dito rin namin nasabi na bagay din sa kanya ang mag-Darna at sure na sure kami na mas maraming lalaki pa ang maglalaway sa kanya.
Sa lahat naman ng proyektong ginawa ni Pepe, dito sa John En Martian talagang lumabas ang kanyang pagiging “leading man”. Ito rin para sa amin ang pinakanakakatawang programa ng Kapamilya comedian. At in fairness, may kilig factor talaga sila ni Arci, lalo na kapag nagtititigan na sila. Lumelebel sa KathNiel, JaDine, AlDub at MayWard ha!
Hindi masasayang ang oras n’yo kapag pinanood n’yo ang John En Martian na magsisimula na sa April 14 sa iWant mula sa Dreamscape Digital. Stream it for free via iOS or android apps or via web browser on iwant.ph.
Tiyak na makakalimutan n’yo ang inyong mga problema pagkatapos n’yong makilala si John at ang kikay pero palabang si Martian Princess at kung paano nila haharapin ang mga challenges para makabalik sila sa dati nilang mga buhay.
Kasama rin sa iWant original series na ito sina Rufa Mae Quinto (Queen Mother ng Mars), Mon Confiado, Jojo Alejar, Aiko Climaco, Jelson Bay, Joel Saracho, Dolly de Leon, TJ Valderama, Emman Nimedez at marami pang iba. Ito’y sa direksyon ni Victor Villanueva, mula sa Dreamscape, Quantum Films at Proj. 8 Corner San Joaquin Projects.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.