FOREVER grateful si Marian Rivera kay Lord dahil sa ibinigay sa kanila ni Dingdong Dantes na mga angel.
“Sobrang thankful ako na na-e-experience ko ang pagbubuntis na ito dahil para sa akin, ang pagkakaroon ng isang anak ay miracle ‘yan eh. Hindi porke’t gusto mo, magkakaroon ka. Hindi porke’t ganito ang gagawin mo, ganito ang mangyayari, hindi.
“Kaya ang laki-laking pasasalamat namin kay Lord kasi hiniling namin ito at ipinagkaloob sa amin. At ito ‘yung ipagpapasalamat ko buong buhay, ang magkaroon ng mga anak.
“Siguro sabi ko nga ito ang nagpakumpleto ng buhay ko, ang magkaroon ng asawa, ng mga anak,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.