‘Sobrang kapal na ni Jim Paredes kung titirahin pa rin niya si Duterte!’ | Bandera

‘Sobrang kapal na ni Jim Paredes kung titirahin pa rin niya si Duterte!’

Ambet Nabus |April 10,2019
facebook
share this

‘Sobrang kapal na ni Jim Paredes kung titirahin pa rin niya si Duterte!’

Ambet Nabus - April 10, 2019 - 01:10 AM

At dahil nananahimik ngayon sa kanyang social media activities si Jim Paredes, marami ang nagsasabing nabawasan na kung hindi man totally nawala ang integridad at kredibilidad niya bilang isang masugid na “kritiko” ng Duterte administration.

“Yes, we believe na soon ay matatabunan din ang isyu at makakalimutan din ang kanyang video scandal, pero everytime na mababanggit ang name niya sa kahit anumang isyu, siguradong kasunod na nito ang iskandalong ginawa niya.

“Sobra na sigurong kapal ng mukha niya kung patuloy siyang magmamalinis at magsusulong ng kadisentihan sa gobyerno at sa mga politiko, lalo na kay Duterte. Tama lang na manahimik na siya,” ang sabi ng nakausap namin about Jim.

Well, kumpara sa mga dati niyang kasamahan sa OPM icon na APO Hiking Society (Boboy Garovillo at Danny Javier) siya talaga ang pinakamaingay pagdating sa pakikialam sa mundo politika, pero siya rin ang nagbigay ng kahihiyan sa kanilang grupo.

Indirectly kasi ay affected din ang naturang grupo dahil nakilala naman si Jim Paredes bilang member nito bago pa man sila magkanya-kanya ng landas.

Balitang ayaw na ring magbigay ng anumang reaksyon nina Danny at Boboy tungkol sa issue pero siguradong hiyang-hiya rin sila sa nangyari.

Nakapanghihinayang nga lang na sa ganito lang pala mababahiran ang pangalan ng APO na talaga namang nirerespeto hindi lang sa bansa kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Hay, napakalupit talaga ng mundo, lalo na sa mga taong grabe kung magmalinis pero may itinatago rin palang baho!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending