Sharon hindi pa rin nakikipagbati kay Gabby: OK na yung ganito
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang dating mag-asawang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Ito ang inamin ng Megastar nang tanungin ng isa niyang Instagram follower kung nagkausap at nagkabati na sila ng Kapuso actor.
Nag-post kasi si Sharon sa IG ng collage ng mga litrato nila ni KC Concepcion, ang panganay na anak niya kay Gabby.
Nilagyan niya ito ng caption na, “The VERY BEST PROJECT/PRODUCTION of Sharon & Gabby. She got her Pa’s perfectly handsome face, and most everything else from Ma.”
Dito, isang netizen nga ang nagtanong sa comments section kung bati na sila ni Gabby. Reply ng Megastar, “No pa nga eh. Hayaan na natin buti na ganito.”
Kung matatandaan, magkakaroon sana ng reunion movie last year ang former couple pero hindi ito natuloy dahil umano sa hindi pagkakaintindihan ng dalawa. Balitang biglang nag-backout si Gabby dahil sa talent fee.
Bago ito, nagkasama pa ang dalawa sa isang TV commercial (kilalang fastfood chain) na talagang ikinakilig ng kanilang mga fans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.