Sylvia Sinag Maynila best actress sa ‘Jesusa’ | Bandera

Sylvia Sinag Maynila best actress sa ‘Jesusa’

Reggee Bonoan - April 09, 2019 - 12:45 AM

SYLVIA SANCHEZ

Nang makausap namin sa gala night ng “Jesusa” si Sylvia Sanchez ay halatang pagod siya dahil sa taping ng Project Kapalaran kaya wala siyang planong dumalo sa ginanap na 5th Sinag Maynila Awards night na ginanap sa Conrad Hotel nitong Linggo.

Pero dahil pakiramdam ng aktres na malakas ang laban niya sa pagka-best actress para sa “Jesusa” ay tumuloy din siya at hindi naman siya nabigo dahil naiuwi nga niya ang tropeo. Nag-tie sila ng baguhang aktres na si Angela Cortez para sa pelikulang “Jino to Marie.”

Wala namang duda talaga na mananalo si Ibyang sa “Jesusa” na idinirek ni Ronaldo Carballo handog ng OEPM dahil ibang atake ng pag-arte ang ipinakita niya rito.

Seryoso ang “Jesusa” pero nakakatawa ang ilang eksena ng karakter ni Ibyang kaya maririnig mo sa loob ng Gateway Cinema 5 ang hagikgikan, pero tutulo rin ang luha mo dahil sa awa kay Jesusa.

Hindi naman napahiya si Sylvia sa pelikula dahil nabigyan niya ng hustisya ang kanyang karakter.

Matatandaang si Ms. Nora Aunor ang unang choice ni direk Ronald sa pelikula pero dahil sa ilang problema napunta ito kay Ibyang.

Maaari n’yo pang panoorin ang “Jesusa” sa piling sineham sa SM at Gateway mula Abril 4 hanggang 17.

Samantala, narito ang ilan pang nanalo sa katatapos na 2019 Sinag Maynila: Best Actor, Nar Cabico (Akin Ang Korona); Special Jury Award, “Jesusa”; Best Picture, Pailalim; Best Director, Daniel Palacio (Pailalim).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending