Korina umamin: natakot sa paglabas nina Pepe at Pilar | Bandera

Korina umamin: natakot sa paglabas nina Pepe at Pilar

Bandera - April 09, 2019 - 12:30 AM

KORINA SANCHEZ KASAMA SINA PEPE AT PILAR

Nagkuwento si Korina Sanchez sa episode ng Rated K last Sunday tungkol sa kambal nila ni Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.

Ibinahagi ng broadcast journalist ang naging journey nila sa pagkakaroon ng anak at kung paano sila naghanda sa pagdating ng kanilang twins.

Alam daw nilang mag-asawa na imposible na silang magkaroon ng baby sa natural na paraan dahil na rin sa kanilang edad pero dahil sa pareho silang mahilig sa bata, talagang kinarir nila ang paggamit sa siyensiya.

Bumiyahe sila sa ibang bansa para simulan ang proseso ng surrogacy at mahirap man ang pinagdaanan nila pero waging-wagi naman ang naging resulta. “Ilang taon din na-frozen ang aming mga embryos,” sabi ni Korina.

Lumipas ang ilang taon hanggang dumating ang isang araw na desidido na sila ni Mar na ituloy ang proseso ng surrogacy. Ilang beses silang pumunta ng ibang bansa para sa mga, “Doktor at abogado, para makilala ang babaeng magdadala ng anak namin,” ani Korina.

Makalipas ang siyam na buwan, ibinalita kina Mar at Korina na pregnant na ang surrogate mother nila at hindi lang isa kundi kambal ang dinadala nito. Magkahalong kaba at takot daw ang na-feel nilang mag-asawa nang malaman nila ang good news. “God made this happen, so God will provide,” sey pa ng Kapamilya broadcast journalist.

Pahabol pa ni Korina, napaaga ng isang linggo ang pagsilang ng kambal kaya agad-agad silang umalis ng bansa para salubungin sina Pepe at Pilar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending