Kathryn inaatake ng ‘sepanx’, 1 buwan sa HK kasama si Alden
Isang buwan mawawala sa bansa sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa shooting ng kanilang pelikula sa Hongkong.
Umalis kahapon ang dalawa kasama ang buong produksyon ng movie under Star Cinema with their director Cathy Garcia Molina.
“May mga ipapagawa sila sa akin pagdating ko doon para medyo ma-familiarize. Hindi halatang parang inaarte ko lang lahat. Ipapa-feel nila talaga sa akin ‘yung pagiging independent. Kinausap nila si mama kung paano ako i-handle sa HK. Medyo kinakabahan ako pero it’s all for the character,” pahayag ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN.
Inamin ng dalaga na ngayon pa lang ay inaatake na siya ng “sepanx” o separation anxiety, “Halu-halo ang napi-feel ko kasi siyempre ang dami kong maiiwan dito. Ang dami kong mami-miss. Pero excited ako at the same time kasi medyo na-present na ‘yung final script namin. Excited ako maipakita ‘yung Hong Kong and ‘yung domestic helpers kung paano sila roon.”
Of course, mami-miss niya ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla dahil matagal-tagal silang magkakalayo sa isa’t isa, “He’s very supportive. Sabi naman dadalawin niya ako doon. Confident siya kasi ‘yung team kilala niya. Familiar siya sa mga mag-aalaga sa akin. Pero sepanx ‘yun kasi one month.”
Tungkol naman sa bago niyang leading man na si Alden, “Meron kaming sinyut recently and may look test so medyo nakakapag-usap na kami.
“Super mabait siya and very genuine. Natutuwa ako kasi magiging madali para sa amin kasi bago ito lahat sa amin. Magaan siya kasama so that’s very helpful.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.