Text voting sa TNT ng Showtime inireklamo
Naloka naman kami sa ipinaabot na reaksyon ng aming mga kaibigan hinggil sa ongoing semifinal round ng Tawag Ng Tanghalan sa Showtime.
Lahat naman kasi ay may equal opportunity para makapasok sa grand finals, pero dahil mahalaga nga ang mga komento ng mga hurado, naaapektuhan siyempre ang voting preference ng publiko.
Nakakalamang na siyempre ‘yung may solid group kaya kahit medyo sumesemplang sila sa kanilang performance ay nahihila pa rin ito ng text votes.
Ang isyu nga lang ng mga nagtatakang netizens ay kung bakit kung sino pa raw ‘yung madalas na nabibigyan ng standing ovation o sobrang napupuri ng mga hurado dahil kakaiba ang galing at pang-grand finals na ang performance eh siya pang madalas malagay sa bottom list.
“Alangan namang one or two points lang ang inilalamang nila sa mga nasa top dahil kung titingnan ang results eh, masyadong malayo considering na 50/50 naman ang scores ng hurado at text votes?
“Bakit pa nag-aaksayang mag-standing ovation ang mga hurado sa magagaling na contestants at purihin sila nang wagas kung napupunta lang naman sila sa bottom?” ang nagtatakang tanong ng isang nakatutok lagi sa TNT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.