Duterte todo puri kay Ka Freddie habang binabanatan ang 1 kandidato ng oposisyon | Bandera

Duterte todo puri kay Ka Freddie habang binabanatan ang 1 kandidato ng oposisyon

Ronnie Carrasco III - April 06, 2019 - 12:56 AM

IDEALLY, our hearts should go out with showbiz celebrities. After all don’t we belong to the same world?
Hmmm, hindi siguro sa lahat ng pagkakataon.

Probably, two of “in” things these days sa mundong ginagalawan namin are: a.) celebrities who are allegedly involved in drugs (bago?), na tinutukan ng PDEA (bago rin?) whose identities ay napipintong pangalanan and made public (this is something new!); 2.) celebrities gunning for elective posts (bago rin ba?) this election season.

Sa less than five-minute video at a campaign rally in God-knows-where ay nagtatalumpati ang mahal na Pangulo.
Paksa ng speech ni Digong clad in a printed polo shirt ang kanyang minamanok mula sa administrasyon, no less than Freddie Aguilar.

Habang mistulang produktong ipino-promote ni Digong si Ka Freddie like a sales pitch ramming down the audience’s throat ay binabakbkan naman niya ang fellow senatorial bet nitong mula naman sa kung tawagin ay Otso Otso.

Hindi na namin babanggitin pa kung sino among the eight opposition senators-wannabe ang puntirya ng Pangulo in his roundabout speech. Basta human rights lawyer ito na ikinumpara niya kay Ka Freddie nang bonggang-bongga.

So, bonggang-bongga that the President sounded like Ka Freddie’s manager cum publicist, whose musical ingenuity ay hindi matatawaran. Binansagang brainy o matalino ni Digong ang iconic singer-composer dahil sa husay nitong lumikha ng mga awiting may mensahe at nilapatan pa ng musika.

Worldclass pa nga, kung tutuusin.

“Tulad na lang ng ‘Anak’ niya,” pagba-validate niya sa talaga namang kahenyuhan ni Ka Freddie patungkol sa awiting naisalin sa maraming lengguwahe.

Oo naman, there’s no scintilla of a doubt that Ka Freddie’s “Anak” has made us all proud.
Para kasi sa ibang mga nakarinig nu’n, huwag sana nilang isipin that the “anak” being referred to ay ang mismong anak ni Freddie Aguilar, si Megan.

q q q

Yaman din lamang na ang maalamat na mang-aawit at kompositor ang pinag-uusapan, harinawang matakasan nito ang anino ng nakaraan.

Dahil panahon ng halalan, naikukunek ng madlang pipol ang iconic name ni Ka Freddie bilang siyang nagrekomenda kay Cesar Montano para pamunuan nito ang tourism board sa ilalim ng Department of Tourism.

Dahil nga sa umano’y alingasngas na kinasangkutan ni Cesar, he was forced to quit his post. And nothing was heard mula noong puwersado siyang pinagbitiw sa puwesto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cesar was Ka Freddie’s recommendee who bungled his work gayong pinagkatiwalaan siyang he’d prove as an asset sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan.

All eyes on Freddie, hoping he’ll guitar his way to the Senate with matching sequined hat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending