Migo hindi tsinugi sa Sahaya, tuloy ang career sa GMA
LUMARGA na uli si Migo Adecer sa kanyang acting career matapos ang kinasangkutang kontrobersiya kamakailan.
Naglabas na rin naman kasi ng official statement ang binata sa umano’y hit and run na kanyang ginawa. Nag-sorry na rin siya sa lahat ng sangkot sa insidente.
But take note, nakalusot man ang Kapuso actor sa physical injuries na reklamo sa kanya, may naiwan pang isang kaso against him, ang falsification of public documents dahil sa umano’y pekeng lisensiya na gamit niya sa pagda-drive.
Gayunpaman, nagpatuloy ang Starstruck Male Ultimate Survivor sa taping ng Kapuso series na Sahaya at nagkaroon na siya ng look test sa upcoming movie na “Black Lipstick.”
Guest din si Migo sa Sunday episode ng The Boobay And Tekla Show kung saan inaasahan ang kanyang pagpapaliwanag sa aksidenteng kinasangkutan.
Si Rocco Nacino naman ang manggu-good time sa segment na Pranking in Tandem ng TBATS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.