Loisa: Diyos lang ang may karapatang humusga sa atin
MAY bagong “hugot” post si Loisa Andalio na pinaniniwalaang may konek sa umanosa kumalat na video scandal niya sa social media.
Nauna nang nag-post sa Twitter ang dalaga makalipas ang halos isang linggong pangdededma sa kinasasangkutang iskandalo.
Sa kanyang Instagram account, muling naglabas ng emosyon si Loisa laban sa mga taong patuloy na nanghuhusga at nambabastos sa kanya. Aniya, tanging ang Diyos lang daw ang may karapatang mag-judge sa kanya bilang tao.
Narito ang kabuuan ng IG post ng girlfriend ni Ronnie Alonte: “Hindi mawawala ang masiyahin, makulit at postibong Loisa na minahal niyo, at mahal kayo.
“Walang kahit sino mang pwede umagrabyado sa kahit isa sa atin. Lahat tayo pantay pantay. Hindi natin alam ang pinagdadaanan sa buhay ng isa’t isa. “Libre lang naman ang maging mabuti sa kapwa.
“Walang kahit sinong mang may karapatang humusga sa atin, tanging Diyos lang.
“I love you, O LORD, my strength. -Psalm 18:1: ‘No one can beat a woman who refuses to give up on herself,’” sabi pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.