USAPANG laos na “boy band” tayo ngayong araw.
Kaya hindi matuloy-tuloy ang kanilang reunion concert ay dahil din umano sa panggugulang ng kanilang kasapi na feeling pinakasikat sa grupo.
Sinabi ng aking Cricket na sobra ang kagulangan ng ating bida lalo na pagdating sa pera.
Unang tumatak ang kahambugan ni Sir nang kausapin sila ng isang malaking kampanya para gamitin sa isang TV commercial ang isa sa kanilang mga sikat na kanta.
Tig-ten percent lamang ang napunta sa kanyang dalawang kasama at ang natira ay sinolo na niya.
Ang dahilan ni Sir ay siya naman daw ang nagsara sa nasabing malaking kontrata.
Pagdating sa mga concert ay magulang din ang ating bida at mahilig kumuha ng credit kahit na hindi naman siya ang pinakamaraming nasulat na kanta sa grupo.
Sa ngayon ay hindi na nag-uusap ang mga dating magkakasama na lalo pang pinaglayo ng kanilang pananaw sa pulitika.
Sa sobrang kayabangan ay ibinaon na rin ng ating bida ang kanyang pagkatao sa grupo ng “political color” na ngayon ay halos isuka ng mga pulitiko at hindi mo na rin makikita kahit na saang political activities.
Lately ay nakuha ng ating bida ang gusto niyang atensyon makaraang mag-viral ang kanyang kwento dahil na rin sa kanyang katangahan online na dahilan ng pagkakalantad ng isang hubad na katotohanan.
Ang dating sikat na miyembro ng isang boy band na sumikat noong late 70s hanggang early 90s ay si Mr. P….as in Palad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.