Kilalang young actress parang nalantang bulaklak, tuyot na tuyot ang itsura | Bandera

Kilalang young actress parang nalantang bulaklak, tuyot na tuyot ang itsura

Cristy Fermin - April 05, 2019 - 12:40 AM

KUMBAGA sa bulaklak ay maraming nagsasabi na napakaagang nanguluntoy ng isang kilalang young actress.

Ang kanyang mga kasabayang artista ay sariwang-sariwa pa, pero ang young actress na ito ay parang nalanta na, maraming kuwento ang aming source kung bakit.

Sexy siya, kakaiba ang kanyang ganda, may sarili rin siyang karismang napakalakas ng panghatak sa mga kalalakihan.

Kuwento ng aming source, “Dati kasi, e, fresh na fresh ang dating niya. Ang ganda-ganda ng katawan niya kahit pa bubot pa siya, ang ganda niya, e, kanyang-kanya lang, exotic ang dating ng beauty niya.

“’Yun talaga ang klase ng ganda na gustuhin ng mga foreigner, sa totoo lang, kakabugin niya ang lahat dahil sa kaseksihan niya at gandang kanyang-kanya lang.

“Smart pa naman ang babaeng ‘yun, matapang siya, kayang-kaya niyang lusutan ang mga controversies na nagsasangkot sa kanya. Very smart niyang kinokompronta ang mga problemang dumarating sa kanya,” buwena-manong kuwento ng aming source.

Pero nitong mga huling buwan ay maraming nakakapansin na para siyang nalalantang bulaklak. Biglang natuyot ang tingin ng marami sa young actress.

“Nagmumukha siyang matanda, saka ang bilis mag-deteriorate ng ganda niya. Fresh na fresh pa ang mga ka-contemporary niya, pero siya, parang ang dami-dami na niyang pinagdaanan!

“Biglang nag-goodbye ang painosente niyang itsura, palaban pa rin siya hanggang ngayon, pero ang katawan at itsura niya ang pansin na pansin na parang bulaklak siyang nalalanta.

“May mga nag-iisip na siguro, e, masyado siyang generous sa boyfriend niya. Baka kahit anong gusto ng pinakamamahal niyang guy sa balat ng lupa, e, ibinibigay niya!

“Baka hindi siya marunong tumanggi, baka natatakot siyang iwan ng BF niyang sobrang iniilusyon ng mga girls at becki na makasama kahit ilang oras lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakapagtataka naman kasing biglang nagkaganyan na ang dating niya! Ang katawan niyang pinagpipistahan nu’n ng mga kalalakihan, e, biglang nagbabu na!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi kayo mauupo sa Row 5 na katabi ang mabahong basurahan, pili na lang kayo ng color na malapit na malapit ang tunog sa pangalan ng boyfriend niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending