Horoscope, April 05, 2019 | Bandera

Horoscope, April 05, 2019

Madam Sophia - April 05, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: I-blow-out muna ang sarili bago ang iba! Bumili ng bagong latest model na cell phone. Wag ng magdalawang isip, baka maubos na naman ang pera. Sa pag-ibig, wag turuan ang kasuyo ng kapusukan! Mapalad ang 3, 9, 14, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod He Vau He.” White at violet ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Uuho ang suwerte kung laging nagpapasalamat. Sa araw na ito may dagdag na pagkakakitaang makakamit. Sa pag-ibig iplano na ang gagawing pagda-date ninyo ng kasuyong Sagittarius sa isang beach. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “God is good all the time!” Gray at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Wag pagdamuntan ng lambing at romansa ang kasuyong nananabik – yayain siyang mag-swimming. Sa pinansyal, mentras maraming trabaho kasabay naman nitong aangat ang kita. Mapalad ang 6, 12, 21, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Om.” Red at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Isa alang-alang ang kalusugan. Ngayong tag-araw, kailangang maligo araw-araw upang wag magkasakit. Sa pag-ibig, muling iinit ang dating nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 14, 19, 24, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om-Krato.” Gold at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Sa career, wag iasa sa iba ang pag-unlad. Ikaw ang dapat na magsikap. Sa pag-ibig, sa isang malamig na lugar, mabubuo ang isang matamis at masarap na suyuan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vanjur-Veda-Om.” Green at magenta ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Sa isang paglalakbay, may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa produktong agrikultura at pagkain mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, mag-ingat, may isang illicit love affair na mabubuksan. Mapalad ang 1, 16, 28, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om-Savitra.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Sa pag-ibig, isang kaibigan ang lihim na may pagtingin sa iyo. Sa sandaling nagparamdam na siya, sunggab agad ang dapat. Sa romansa at pinansyal, ngayong tag-araw, tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 5, 11, 22, 37, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanm-Kebalam.” Gray at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Usok at hangin ang mapalad mong elemento. Kung magnenegosyo bagay sa iyo ang bakery o kaya’y ihaw-ihaw. Sa pag-ibig, susuwertehin sa pananalapi kung isang Aquarius ang makakatuluyan. Mapalad ang 6, 12, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Gayatri-Om.” Pink at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pag-ibig, wag mo silang intindihin, naiingit lang sila sa beauty mo kaya ka nila sinisiraan. Sa pinansyal, tuloy mo lang ang kasalukuyang hanap-buhay, malapit na malapit ka ng yumaman. Mapalad ang 3, 12, 18, 28, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Purna-Om.” Purple at violet ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pinansyal, ituloy lang ang pagko-concentrate sa mga bagay na pagkakaperhan. At siyempre kailangang matuto ka ring mag-savings. Mapalad ang 6, 18, 27, 29 34 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Veda-Om.” Red at beige ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa pag-ibig, magiging maligaya ang relasyon sa kasuyong Taurus, kung hindi mo na siya pipintasan at aawayin. Mapalad ang 8, 11, 20, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Atram-Om.” Gold at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Hindi ka dapat makikipagtalo sa mga makikitid ang utak. Sa pinansyal lalong pag-igihan ang pagkukuripot upang mas mapabilis ang pagyaman. Sa pag-ibig, tuloy ang relasyon sa isang payat na nilalang. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Ito ang araw na may malaking suwerteng darating sa iyo. Ihanda mo na ang iyong sarili upang magpasalamat. Bilang pasaslamat, handugan mo ng regalo ang mga taong naghihirap at wala ng naasahan pa sa buhay. Sa gayang paraan, naging mabuti ka sa iyong kapwa, hindi lang suwerte at magandang kapalaran ang iyong matatanggap, bagkus maraming-maraming biyaya ang darating na halos sosobra pa sa iyong mga pangangailangan. Mapalad ang 2, 16, 25, 29, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Rama-Krisna-Om.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending