Pagkanta ng ‘Baleleng’ ni Miguel sa ‘Sahaya’ trending | Bandera

Pagkanta ng ‘Baleleng’ ni Miguel sa ‘Sahaya’ trending

- April 04, 2019 - 12:01 AM


KILIG na kilig ang mga fans ni Miguel Tanfelix sa mga eksena niya sa GMA Telebabad series na Sahaya.

Pinag-usapan sa social media ang pampa-good vibes na eksena ni Miguel sa Kapuso primetime series kung saan tumutugtog siya ng gitara at kinakata ang classic song na “Baleleng.”

Sunud-sunod ang mga mensahe at comments ng mga netizens na tumututok gabi-gabi sa Sahaya sa social media pagkatapos ipalabas ang nasabing eksena ni Miguel na gumaganap bilang si Ahmad, ang binatang Badjaw na may may gusto kay Sahaya na ginagampanan naman ni Bianca Umali. Narito ang ilan sa mga komento ng fans nina Miguel at Bianca.

“Grabe nung kumanta n c ahmad ng leleng ko, biglang tulo luha nya, bakit tulo rin luha ko. Damang dama tlg eh. Galing tlg gumanap @MiguelTanfelix_ ahmad at @bianx_umali sahaya. Tama yan sahaya ilaban mo ang dapat na para sayo,” ani @PrincessLaddyDi.

Sey ni @PrincessBhabyc4, “Eto talaga yung eksenang nagpaiyak sakin kagabi!”

Komento naman ni @Anthony82512253, “#AngLabanNiSahaya God! The pain of young love! ???? I’m crying with you Ahmad @MiguelTanfelix_ shows sincerity as the young Badjao!”

Kamakailan ay isang female fan ang napaiyak nang makita niya nang personal si Miguel habang nasa taping ng Sahaya sa Calatagan, Batangas. May bonus pa siyang yakap at selfie mula sa Kapuso young actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending