Kilalang female celeb malas sa teleserye
NAG-IISIP na ng bagong project na talagang babagay sa kilalang aktres ang creative team ng isang TV network.
Halos lahat kasi ng teleserye nito ay hindi pumalo sa ratings game kahit na mga kilala at mahuhusay umarte ang nakakasama niya.
“Ang dami ngang nagtataka kasi maganda naman, may talent naman sa acting pero bakit parang hindi siya kinakagat ng publiko? Mas pinapansin pa ‘yung hindi gaanong kagandahang artista, sila pa ‘yung nagri-rate ang shows,” ang sabi as amin ng isa sa creative team.
Diretsahan naming sinabi na maganda nga ang aktres pero hindi naman pang-masa ang appeal at higit sa lahat matapang ang dating niya sa screen kahit napakabait niyang tao.
“‘Yun din ang nasa isip namin, wala siyang mass appeal kahit na down to earth talaga siya in real life.
Nakikita mo naman na jologs din siya,” saad sa amin.
Dagdag namin parang hindi siya karamihan ang kanyang supporters, “Huy, hindi ah. Marami nga siyang fans lalo na nu’ng na-link siya kay ____ (pangalan ng isang aktor), nag-combine na nga ang mga fans nila, eh,” pagtatanggol ng aming kausap sa kilalang aktres.
Baka kasi masyado nga siyang maganda at mas bagay sa kanyang sumali na lang muna sa beauty contest baka sakaling nandoon ang mundo niya at saka na lang niya balikan ang showbiz.
Baka mala-Pia Wurtzbach din siya na hindi pinalad sa showbiz pero nang manalong Miss Universe noong 2015, hayun, kaliwa’t kanan na ang projects sa Pilipinas at sa ibang bansa. Siya rin ang kauna-unahang Pinay na nabigyan ng wax figure sa Madame Tussauds Hongkong museum.
Baka ganito rin ang mangyari sa kilalang aktres kung sakaling manalo siya sa beauty contest.
Going back sa kilalang aktres, malapit nang mamaalam ang kanyang teleserye kaya minamadali na ng TV network ang creative team para sa susunod niyang project dahil may kontrata nga siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.