Disenteng pangangampanya panawagan ni Belmonte | Bandera

Disenteng pangangampanya panawagan ni Belmonte

- April 01, 2019 - 08:23 PM

NANAWAGAN si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ng positibo at disenteng pangangampanya sa pagsisimula kahapon ng campaign period para sa mga lokal na kandidato.

“I am praying for a campaign season free of fake news, black propaganda, mud-slinging, and lies. I know this is wishful thinking, but miracles do happen, especially when God’s righteous love prevails,” ani Belmonte na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Quezon City.

“To our voters, what we wish is just to be able to express our platform, have the chance to deliver our programs for the city, and win in an honest and safe election,” dagdag niya.

Sa unang araw ng campaign period, naglunsad ng proclamation rally ang Serbisyo sa Bayan Party (SBP), lokal na partido ni Belmonte, kung saan ipinahayag ng mga kandidato sa ilalim ng nito ang kanilang mga plataporma para sa mga mamamayan ng lungsod.

Pinangunahan ni Belmonte ang nasabing pagtitipon at sinamahan siya ng kanyang running mate na si Coun. Gian Sotto, tumatakbong vice mayor; kanyang ama na si Cong. Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. na dating alkalde ng Quezon City; at ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na namang bise alkalde sa lungsod.

Ilan sa mga plataporma ni Belmonte ay ang pagpapaigting sa anti-drug program, pagkakabit ng mas maraming closed-circuit television (CCTV) camera sa mga lansangan, pagpapabuti sa document processing sa pamamagitan ng modernong teknolohiya, at mas epektibong paghahatid ng mga serbisyo tulad ng pagsisiguro na kasapi ng Social Security System (SSS) at PhilHealth ang lahat ng sektor sa Quezon City.

“My goal is to be an exemplary leader that the people can trust and can deliver positive change for the good of the people. Hindi ako mangangako ng kung ano-ano na hindi ko naman kaya tuparin pero sisiguruhin ko na lagi nating uunahin ang kapakanan ng nakararami, at ang kabutihan para sa ating mga mamamayan,” ani Belmonte sa isang panayam.

Sa nasabing proclamation rally, dumalo ang ilan sa mga kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na kinabibilangan nina Senators Cynthia Villar, Aquilino Pimentel III, JV Ejercito, at Juan Edgardo Angara; mga dating senador na sina Jinggoy Estrada, Ramon Revilla Jr., at Pia Cayetano; Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating national police chief Ronald dela Rosa, dating special assistant to the president Christopher Go, dating presidential legal adviser Francis Tolentino at broadcast journalist na si Jiggy Manicad.

Nobyembre ng nakaraang taon nang pormal na nakipag-alyansa ang SBP sa HNP sa ilalim ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending