Vice Ganda kay Duterte: Hindi ko alam kung nagwi-wish siya o pinagbabantaan ako!
NAGPASALAMAT si Vice Ganda kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice-President Leni Robredo sa selebrasyon ng kanyang 43rd birthday ngayong araw.
Iba na talaga ang level ng Unkabogable Star dahil talagang pati ang dalawang pinakamataas na leader ng Pilipinas ay humahanga sa kanya with matching birthday greetings pa.
Ipinalabas kahapon sa birthday special ni Vice sa Showtime ang video message nina PDigong at VP Leni at kitang-kita sa reaksyon ng TV host-comedian ang pagkabigla.
Unang ipinalabas ang video greeting ni VP Leni, anito, “From one Vice to another, happy birthday, Vice! Sana bigyan ka pa ng lakas.
“Dasal ko na mas maging maayos ang iyong kalusugan para mas mapasaya mo pa ang mas marami nating kababayan sa mas mahabang panahon. Happy birthday!” pagbati pa nito.
Mensahe naman ng pangulo, “Vice Ganda, you are celebrating your birthday today.
“Ang Vice na walang kasing ganda, who has made so many millions of our Filipino brothers and sisters happy on a regular basis by just watching your program.
“You made the face of the Filipino very happy. I wish you will succeed for more so many years, and that I pray to God that you live for a thousand years.
“Vice, maraming salamat sa tulong mo sa tao, pati sa akin, and ang sinasabi ko, sana tatagal ka. Mabuhay, Vice Ganda, walang kasing ganda sa bayan natin.”
Narito naman ang thank you message ng Phenomenal Box-Office star kay VP Leni “Maraming-maraming salamat po, Vice President Robredo, pinag-aksayahan niyo po ako ng oras.
“Mabuhay po kayo. God bless you, at nawa’y mas maging malakas pa kayo nang matagal.”
Para naman sa Pangulo, “Si President Digong, maraming-maraming salamat po.
“Sa dami ng pinagkakaabalahan ninyo, naisingit n’yo pa ang makagawa ng video greeting para sa akin.
“Maraming maraming salamat po, Mr. President. At ang ganda ng sinabi niya, ‘Sana magtagal ka pa.’ Hindi ko alam kung nagwi-wish siya o pinagbabantaan niya ako.
“Pero I love you, Mr. President. I love you, Vice President. Maraming-maraming salamat. Mabuhay po kayo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.