Magka-loveteam na nasa PDEA drug list napapanood pa rin sa TV | Bandera

Magka-loveteam na nasa PDEA drug list napapanood pa rin sa TV

Ervin Santiago - March 31, 2019 - 12:10 AM

May isang source na nakapagsabi sa amin na ang tinutukoy na magka-loveteam sa showbiz drug list ng PDEA ay active na active pa rin ngayon sa kanilang mga career.

Actually, hindi na kami nagulat nang pangalanan sa amin ang dalawang youngstars na napapanood pa rin ngayon sa iba’t ibang programa sa TV.

Actually, matagal nang nababalita na gumagamit nga ‘yung male star kaya raw para itong laging aligaga kapag nasa trabaho, lalo na kung iniinterbyu ng press.

Siguro raw ay naimpluwensiyahan lang nito ang kanyang ka-loveteam kaya natuto ring gumamit. At ang isa pang ibinuking sa amin ng source ay isang sikat na TV personality din ang nagturo umano kay male celebrity na mag-drugs.

Ang binanggit niyang TV personality ay nasa drug list din daw ng PDEA. Actually, nu’ng unang pumutok ang listahang ito ay nandoon na rin daw ang pangalan ng TV personality kaya raw anytime ay baka siya ang unang pangalanan ng PNP.

May chika pa na ang TV personality na ito ang nagreregalo umano ng “kontrabando” sa mga kaibigan niyang celebrity din. Pero hindi naman makumpirma ng aming source kung nagbebenta rin siya.

Well, habang wala pang bumabanderang listahan mula sa PDEA, mananatili pa ring haka-haka at espekulasyon ang lahat ng ito. Ang tanong ng bayan, ilantad pa kaya ng PDEA ang drug list?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending