Arjo nawalan ng oras para sa pamilya mula nang sumikat; miss na miss ang mga kapatid | Bandera

Arjo nawalan ng oras para sa pamilya mula nang sumikat; miss na miss ang mga kapatid

Reggee Bonoan - March 30, 2019 - 12:10 AM

XAVI, SYLVIA, ART, GELA, RIA AT ARJO ATAYDE

DAHIL sa sobrang busy ni Arjo Atayde ay hindi na niya masyadong nakaka-bonding ang mga kapatid niyang sina Gela at Xavi Atayde.

Nagkikita-kita naman sila once a week pero hindi rin naman ganu’n kahaba ang oras na pinag-sasaluhan nila dahil may mga trabaho pa rin sila kinabukasan.

Kaya naman sa guesting ni Arjo sa Magandang Buhay ay sinorpresa siya nina Gela at Xavi na umaming nami-miss na nila ang kanilang kuya.

Kuwento ni Gela kapag may mahabang oras si Arjo ay nanonood sila ng mga programa sa Netflix sa kuwarto ng ate Ria niya at nagpapa-deliver pa sila ng pagkain.

Nang tanungin naman si Xavi kung ano ang bonding moments nilang magkuya, “We play games, like ML (mobile legend).”

Nabuking naman na mahilig si Gela sa milk tea at para makalibre ay magpapa-deliver siya para sa kanyang kuya Arjo pero ang magbabayad ay ang aktor kaya nagtawanan ang mga host ng MB na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Ang unforgettable moment naman ni Gela sa kuya Arjo niya ay noong nasa lumang bahay pa sila sa Pasig na magkakasama silang natutulog sa iisang kama. Wala pa noon si Xavi.

“In our old house, we didn’t have our own rooms yet but ate (Ria) had her own. Tapos me, ate and kuya would sleep in one bed tapos si kuya he wouldn’t sleep unless katabi niya ako tapos gagawin niya he will give me his pillow.

“Kahit wala siyang pillow okay lang basta I’m there tapos dadaganan niya ako and he’s gonna play with my nose, he will kiss my nose, tapos ginaganu’n ganu’n niya (pinipisil). That’s one of those unforgettable moments,” balik-tanaw ni Gela.

Inamin din ni Arjo na hindi na niya nagagawa ang mga bagay na iyon sa kapatid niya dahil bukod sa wala na siyang oras ay sobrang busy din si Gela dahil may sarili na rin siyang career bilang miyembro ng dance group sa school. Ilang beses na rin silang sumali sa international dance competition.

Kuwento pa ng dalagita, “I learned how to dance when I was 11 kasi growing up I watched kuya dancing so I guess seeing him, super na-amuse ako, I got amused so I wanna do that also. So aside from that, he was leading his team so I aspired to lead my team also.”

Inamin din ni Gela na pangarap niyang makasayaw ang kuya Arjo niya kaya siya nagpursigeng matutong sumayaw.

Kaya hiniritan ng hosts na magpakita ng sample ang magkapatid kasama si Xavi pero umiling ang bagets dahil mas gusto raw niyang umarte tulad ng kuya Arjo niya.

Naaliw ang studio audience dahil nu’ng pinatayo na ang tatlo ay mas napansin si Xavi na ang galing din palang humataw tulad ng mga kapatid niya.

Kaya ang narinig naming usapan sa likod ng stage ay napaka-talented pala talaga ng Atayde siblings dahil lahat sila ay marunong sumayaw na namana rin nila sa kanilang nanay na si Sylvia Sanchez.

Mahusay umarte si Ibyang, pero mas magaling daw umarte sa kanya ang mga anak niya at dahil pangarap ding mag-artista ng bunsong si Xavi, abangan na lang daw ng publiko dahil may plano raw sila para sa bagets.

Samantala, very protective kuya raw si Arjo dahil konserbatibo pagdating sa pananamit, ayon kay Gela samantalang makulit, very nice at pogi naman daw ang binata ayon naman kay Xavi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, nabanggit ni Arjo na nagsusumikap din siya sa buhay para na rin sa mga kapatid para kung may kailangan ang mga ito ay puwede siyang lapitan anumang oras.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending