Pagsasapubliko ng 31 artistang sangkot sa droga nasa kamay na ni Digong
SINABI ng Palasyo na desisyon na ni Pangulong Duterte kung ilalabas ang pangalan ng 31 artistang umano’y sangkot sa iligal na droga.
Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pag-aaralan pa ni Duterte kung kailangang isapubliko ang pagkakakilanlan ng sinasabing mga artistang nasa drug watchlist.
“It’s the President’s decision. What I can say is that the reason why the list of the so-called narco-politicians names were released is because the President doesn’t want them to hold power and strengthen the illegal drug industry in this country, apart from the Constitution gives the people the right to be informed of any matter that concerns them especially relative to their welfare and health,” sabi ni Panelo.
Nauna nang sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na 31 artista, kabilang ang 20 aktor at 11 aktres ang pasok sa drug watchlist ng gobyerno.
Sinabi nj Aquino na handa niya itong isapubliko sakaling may basbas ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.