Kalat na: Maine, Maricel magsasama sa pelikula, ilalaban sa 2019 MMFF
Kumalat sa social media kahapon na tuloy na raw ang pagsasama sa isang pelikula nina Diamond Star Maricel Soriano at Phenomenal Star Maine Mendoza.
Of course, wala pang kumpirmasyon tungkol sa proyektong ito pero ngayon pa lang ay nangako na ang fans nina Meng at Maria na susuportahan nila ang proyektong ito.
Kung aanalisahin, under Triple A management si Maine habang si Maria ay malapit namang kaibigan ng producer na si Tony Tuviera kaya hindi imposibleng matuloy ang proyekto.
Noon pa nire-request ng fans ni Maine na sana’y pagsamahin sa isang movie ang Dubsmash Queen at ang original Taray Queen dahil sigurado raw na papatok ito sa takilya.
Ayon sa ilang netizens, riot for sure kapag nagsama sa dramedy (drama-comedy) ang dalawa at siguradong tatabo rin ito sa takilya dahil matagal-tagal na ring hindi nagpapatawa sa pelikula ang Diamond Star.
Pero ang tanong ng ilang fans ni Maine, sino kaya ang itatambal sa young TV host-actress, si Alden Richards ba o si Arjo Atayde?
Anyway, ngayong Abril na ang unang deadline ng pagbibigay ng letter of intent para sa 2019 Metro Manila Film Festival. Malay natin, ang pagsasama nina Maricel at Meng sa pelikula ay ipanlaban pa sa December moviefest with Vic Sotto, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.