Maunlad na Pinas; hindi masali sa gulo, wish ni Digong sa 74th birthday
Ang birthday cake ni Pangulong Duterte
MAS maunlad na Pilipinas at hindi madamay ang bansa sa gulo ang ilan sa mga hiling ni Pangulong Duterte sa kanyang ika-74 na kaarawan ngayong araw.
Kinantahan at binigyan ng birthday cake si Duterte sa Matina Enclaves sa Davao City Miyerkules ng gabi.
“My wish that this government will prosper — huwag sana tayong masali sa — it’s a very topsy world. Kawrya nga pati ‘yung mga Chinese e — medyo gusto na nilang mag… They want…And my wish is that we will just continue to — progressive and prosper. Hindi tayo kasali diyan,” sabi ni Duterte.
Naging mahigpit naman ang seguridad sa loob ng Malacanang kung saan hindi pinapasok ang mga sasakyang walang car pass.
Mananatili si Duterte sa Davao hanggang Linggo bilang bahagi ng kanyang kaarawan.
Inaasahan namang balik trabaho siya sa Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.