Super rich na aktres malalim ang hugot laban sa ina, bata pa lang binu-bully na
MAGANDA ang puso ng isang female personality na sa kabila ng mga paghihirap na dinanas nu’ng kanyang kabataan ay naging mabuti at matulungin pa rin sa kanyang pamilya.
Marami silang magkakapatid pero siya ang pinakahindi paborito ng kanyang ina, palagi itong may nakahandang pintas tungkol sa kanya, lalo na kapag marami silang bisita sa bahay.
Kuwento ng aming source, “Nakakalungkot nga dahil ang tawag sa kanya ng mommy niya, e, ugly duckling.
Maganda naman siya, pero ewan kung bakit ganu’n na lang kung mapintasan siya ng mommy niya!
“Kapag may mga bisita sila sa house, e, ipinakikilala sila ng mommy niya, puro papuri ang mother niya sa mga siblings niya, pero pagdating na sa kanya, puro pintas na.
“Iniiyakan lang ‘yun ng female personality, patago siyang umiiyak, ayaw niyang ipakita sa mommy niya na sobrang affected siya.
“Lalo kasi siyang pagagalitan kapag nakita siyang umiiyak, kaya para wala nang usapan pa, nananahimik na lang siya sa bedroom niya habang cry nang cry,” umpisang chika ng aming impormante.
Hanggang sa nag-artista na nga ang hindi paboritong anak ng kanyang ina, nakilala siya, kumikita nang malaki.
Maganda ang puso niya dahil kahit pa sinaktan siya nang todo ng kanyang mommy nu’ng bata pa siya ay hindi siya naghiganti man lang.
“Instead, parang kinukunsensiya niya ang mommy niya. Lahat ng gusto ni madir, e, ibinibigay niya. Tanggap naman nang tanggap si mommy! Pati ang mga kapatid niyang paborito ng mommy nila, pinaliguan din niya ng regalo.
“Iba ang nagagawa ng datung, dahil mula nu’ng kumikita na siya, e, naging mabait na sa kanya ang mommy niya. Proud na proud pa nga sa kanya ang madir niya, wala nang ugly duckling na introduction sa kanya.
“Pero nagkaroon sila nang matinding problema, ‘yun ang naging dahilan kaya lumala nang todo ang hidwaan nila. Mula nu’ng mangyari ‘yun hanggang ngayon, wala nang nangyaring pagkakasundo sa kanila.
“Nahihiga ngayon sa salapi ang female personality, talagang milyonarya na siya, pero hindi kumpleto ang happiness niya dahil hindi sila nagkikibuan ng parents niya.
“Singtalas ng bagong hasang bareta ang dila ng female personality, pero kapag may nagtatanong sa kanya kung bakit sila magkaaway ng parents niya, lalo na ng mommy niya, e, deadma lang siya!
“Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa ba naman ng clue? Bigay na bigay na kung sino siya,” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.