Arjo sa bashers nila ni Maine: Sorry…wala na po akong pakialam sa kanila
“WALA akong pakialam sa kanila!” ‘Yan ang mensahe ni Arjo Atayde sa lahat ng mga taong nangnenega sa kanya at sa relasyon nila ni Maine Mendoza.
Very open na ang dalawa sa kanilang love affair, at wala na rin silang keber sa pagpunta sa mga public place para mag-date. Ang huli nga ay ang pagpunta nila sa Star City kasama ang mga kapatid ni Arjo.
Nakausap ng ilang members ng entertainment media si Arjo sa mediacon ng bago niyang pelikula under Regal Films, ang “Stranded” kung saan makakatambal naman niya si Jessy Mendiola.
Isa sa mga naitanong sa binata ang tungkol sa chika na madalas na raw uma-absent ngayon si Maine sa Eat Bulaga mula nang maging sila. Depensa ni Arjo, “Wala po. Wala pong ganu’n. Bashers will be bashers. Tsaka wala na po akong pakialam sa kanila.”
Hindi na rin daw siya nagbabasa ng mga comments ngayon sa social media para makaiwas sa kanegahan, “Wala po talaga. Wala po talaga. I don’t even read. I don’t even have time to read.”
Nang matanong naman tungkol sa pagde-date nila ni Maine sa Star City at sa grand alumni homecoming ng De La Salle-College of St. Benilde, marespeto niyang pinakiusapan ang mga showbiz reporter na huwag na itong pag-usapan.
“Pasensiya na po kung hindi na ako magsasalita about it, sa movie na lang po muna tayo, please. This has nothing to do with showbiz eh. That’s why as much as possible, I don’t want to talk about her right now,” aniya pa.
Pero ibinandera ng binata na napakasaya ng puso niya ngayon dahil hindi lang ang lovelife niya ang makulay kundi pati na rin ang kanyang career. Sunud-sunod kasi ang mga project niya ngayon.
Pagkatapos nga ng matagumpay niyang digital action-drama series na Bagman sa iWant, heto’t bida na naman siya sa latest romcom ng Regal na “Stranded”.
“I’m a better version of myself now I could say. I’m more responsible, happier. Everything is so hard and I’m really inspired to work harder and not to prove anything at all. That’s not my main purpose. That’s part. Basta inspired na ako sa lahat ng bagay,” aniya.
Samantala, muling magpapakilig si Arjo kasama si Jessy sa “Stranded” under the direction of Ice Idanan, “Yes, it’s a different kind of love story. I’ve been wanting to do a rom-com. I wanted to do a love story na pelikula or serye and, finally, I was given the chance.
“I really waited for this kasi, sabi ko, if ever I come out in a romantic film, gusto ko kakaiba yung kuwento, kuwentong hindi pa nakukuwento sa Philippine cinema, and finally it’s coming out on April 10. I’m very, very excited. I promise you, hindi pa ‘to napapanood ng mga Filipino,” lahad pa ng award-winning Kapamilya actor.
Gaganap si Arjo sa movie bilang si Spencer, isang happy go lucky kind of guy na walang direksyon ang buhay. Ngunit biglang maiiba ang kanyang disposition in life nang “makulong” sila ni Julia (Jessy) sa isang building dahil sa bagyo.
At sa ilang oras nang pagsasama nila, marami silang madidiskubre sa kanilang mga sarili.
Makakasama rin sa “Stranded” sina Miko Raval, Mich Liggayu, Miggy Marty, Pinky Amador, Johnny Revilla at marami pang iba. Showing na ito nationwide sa April 10.
Isa si Arjo sa iilang celebrities na hindi lang maswerte sa career kundi pati na rin sa lovelife, “And I’m very thankful. Opo, opo, very, very thankful. Very overwhelming sa lahat ng nangyayari.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.