Vina tuloy ang pakikipaglaban kay Cedric Lee: Hindi ako natatakot basta para sa anak ko | Bandera

Vina tuloy ang pakikipaglaban kay Cedric Lee: Hindi ako natatakot basta para sa anak ko

Reggee Bonoan |March 27,2019
facebook
share this

Vina tuloy ang pakikipaglaban kay Cedric Lee: Hindi ako natatakot basta para sa anak ko

Reggee Bonoan - March 27, 2019 - 12:15 AM

VINA MORALES

Sa nakaraang opening ng Ystilo Salon sa Sta. Lucia Mall ay nakatsikahan namin ang marketing manager/endorser nito na si Vina Morales tungkol sa mga kasong isinampa niya laban kay Cedric Lee, ama ng anak niyang si Ceana.

“He was found guilty sa kidnapping case sa RTC Branch 277 Mandaluyong City but nag-file siya ng motion so, it’s still on going but at least may guilty (verdict) na,” sagot ng aktres.

Nag-post ng bail si Cedric para sa pansamantala nitong kalayaan. On going naman ang custody case ni Vina, “But I still have my custody case sa San Juan. Ako naman I’m just fighting back for my daughter so I’m doing everything for her.”

Ang mga kaso namang isinampa ni Cedric laban kay Vina ay dismissed na sa iba’t ibang siyudad.

“Merong on-going pa rin, cyber libel in Caloocan at Quezon City. But I’m very positive naman na madi-dismiss kasi ‘yung iba na-dismiss na. I’m not scared and thankful naman ako kasi my lawyer is a family friend, si Atty. Lucille Sering. Positive kami na it would be on our side,” aniya pa.

Aware raw ang anak niyang si Ceana sa mga nangyayari sa kanila ni Cedric, “Oo alam niya. She’s very smart alam niya ‘yung nangyayari, kasi ngayon mag-Google ka lang malalaman na. I can’t hide na and I don’t want to hide naman to her. Right din naman niyang malaman.”

Samantala, habang hindi pa nagte-taping si Vina ng bago niyang teleseryeng Sandugo kasama sina Aljur Abrenica at Ejay Falcon ay sinasamantala niya ang pagdalo sa mga events ng iba’t ibang branches ng Ystilo tulad nitong nakaraang Marso 2 sa Marquee Mall na pag-aari ng pamilya nina Romeo, Marissa at Angelika Arceo.

“Yes, ito ang 22nd branch ng Ystilo Salon. For 20 years, were very happy that Ystilo Salons are doing well. Marami kaming inquiries for franchise kaya thank God.

“Marami kaming loyal clients kaya nakakatuwa, meaning happy sila talaga sa kanilang branch kaya umuulit sila. Kasi kami talagang inaalam namin ang traffic ng bawa’t puwesto like sa mall,” kuwento ni Vina.

Anyway, isa pang ikinasisiya ng aktres ay ang album niyang “Vina 30” dahil ang single na “Eres Mio” ay malakas sa digital platform tulad ng Spotify at iTunes at kasama na ring ginagamit ngayon sa Zumba sessions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending