'Walang masama kung bigyan ng bahay at kotse ni Vice si Ion Perez' | Bandera

‘Walang masama kung bigyan ng bahay at kotse ni Vice si Ion Perez’

Ambet Nabus |March 25,2019
facebook
share this

‘Walang masama kung bigyan ng bahay at kotse ni Vice si Ion Perez’

Ambet Nabus - March 25, 2019 - 12:30 AM


Wala naman kaming nakikitang masama kung totoo man ang tsismis na biglang yaman daw ngayon ang Kuya Escort sa Showtime na si Ion Perez.

Bukod sa meron din itong sariling kita, hindi naman siguro pangit na tanggapin niya ang tulong pinansyal mula kay Vice Ganda, na pinaniwalaang dyowa niya ngayon.

Matapos kasing ipagmalaki ni Ion ang relasyon nila, marami ang nag-isip at nag-wan plus wan na ipa-pamper ni Vice ang guwapong Showtime mainstay.

May mga tsismis kasing mas mabilis ngayong nabibili o nakukuha ni Ion ang mga noo’y pinapangarap lang niya gaya ng kotse at negosyo dahil sa pakikipag-relasyon nito kay Vice.

So? Ganu’n naman talaga ang mga kagayang set-up noh. Ang importante, nagkakatulungan sila at merong nakikitang pundasyon ang kanilang relasyon.

Kesa mainggit, mas feel naming higit na matuwa at magbunyi dahil finally, in the open na ang relasyon ni Vice sa isang guy hindi tulad noon na lagi na lang siyang dinedenay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending