Maymay napalaban na naman sa iyakan, bibida uli sa MMK
NAPALABAN na naman si Maymay Entrata sa matinding iyakan at dramahan sa muli niyang pagbibida sa Maalaala Ko Kaya.
Mismong ang direktor nila sa nasabing MMK episode na si John Lapus ang nagsabi na ang galing-galing ni Maymay sa nasabing episose na mapapanood na sa darating na Sabado.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sweet ng ilang patikim tungkol dito.
Hindi pa niya binanggit dito ang pangalan ni Maymay pero may kalakip itong photo kung saan ang makikita lang ay ang mga mata ng dalaga.
Ang caption ni Sweet sa kanyang IG post , “Napakahusay nitong bida namin. Grabe ang script nakakaiyak.”
Sa IG post naman ni Maymay, makikita ang ilang litrato na kuha sa taping ng MMK. Dito binago ang itsura ng ka-loveteam ni Edward Barber, pinaitim siya at naka-wig ng kulot na kulot dahil nga gaganap siya bilang isang dalaga mula sa isang tribo na hindi naduwag sa pagharap sa mga hamon ng buhay at sa pakikipaglaban sa kanyang mga karapatan.
“Abangan po next week ang puno ng pangarap, inspirasyon, sikap at pagmamahal sa buhay ni Judith Manap. Makakasama ko po rito ang Best Family co actor at actresses Mr. Nyoy Volante, Ms. Mercedes Cabral at Ms. Mara Lopez na isang araw pa lang baliw na po kami.
“At shempre the best naming direktor @korekajohn. Malaking karangalan po Direk, ang dami ko pong natutunan sa inyo,” bahagi ng caption ni Maymay sa kanyang IG post.
Hindi ito ang unang pagkakataon na mapapanood si Maymay sa MMK ni Charo Santos. Una na siyang nagpamalas ng husay sa drama noong gawin niya ang kanyang sariling life story matapos manalo bilang Pinoy Big Brother Lucky Season 7 big winner noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.