Rambulan ng 2 team sa MPBL Game sa Gen San makakasira kay Pacman
EXCITED kami sa muli naming pagtapak sa General Santos City, Saranggani Province last weekend.
Sumama talaga kami mula sa Davao City hanggang sa Gen. San para sa MPBL play-offs between Gen San Warriors and Bacoor City Strikers.
Sa mismong hotel ni Manny Pacquaio (Road Haus Hotel) kami tumuloy along with some basketball players na maglalaro din gaya ng Davao at Cebu. Yung team ni Pacquiao na Gen San ay sa ibang hotel yata tumuloy dahil tuwing “meal time” lang namin sila nakikita.
Doon pa lang ay ramdam agad naming may ibang “treatment” na but then again, since kami ang bisita at gusto naming maging positive, in-enjoy na lang namin ang mga pagkain doon.
For three days and two nights ay pinagtiyagaan naming makasalo ang manipis naming unan na si Pacman (in his boxing attire glory pose) ang nasa punda. When we requested for an extra pillow, sabi sa amin ng front desk, wala na raw dahil punumpuno ang hotel nila.
At nu’ng supposedly third day day namin na paalis na kami, we again requested for a towel dahil two days na naming gamit ang (again, manipis towel) tuwalyang nasa aming room, ang sagot uli ng front desk, sorry dahil naubusan na sila.
That was after manalo ang Bacoor City Strikers kontra Gen San sa isang game na kahindik-hindik at kung hindi pa marahil tinambakan ng Bacoor team ang Gen San ay baka nag-ending kaming lahat sa presinto dahil sa magaspang na mga players nila at very bad officiating referees.
It was a very stressful time for us unlike the one game we had in Davao City na very sport ang mga tao at kahit mga kapwa Bisaya nila ang kalaban ng Bacoor, marunong silang tumanggap ng defeat.
q q q
Anyway, ibang-iba ang Gen San noong mapasama kami sa entourage ni Pacman several years ago.
With him around, talagang inaasikaso ka. Bukod sa nandoon pa rin ang world-class niyang banda na magagaling talagang kumanta, solid pa rin ang tuna at palitsong baka ng senador.
Yun nga lang, hindi pa rin talaga inaalis o binabago at least sa hotel displays nila ang mga pictures/portraits ni Jinkee Pacquiao (proud yatang ibandera ang mga before and after looks niya). Talagang literal na kahit saan ka tumingin o umakyat na floor ay ang mga litrato ni Jinkee ang bubungad sa iyo plus Pacquiao’s pictures, used gloves, mga videos na paulit-ulit na ipinapalabas at kung anu-ano pa.
Kinagabihan na sobrang stress ang game, umuwi kami sa hotel ni Pacman na gutom. We even waited for the Gen San players to finish their meal dahil baka “fresh” pa ang naganap na rambulan sa court kung saan nasaktan ang ilan sa players ng Bacoor. Nasuntok si Gab Banal at namaga ang kilay; si Eric Acuna na napakaliit ay naging paboritong tuhuran ng isang higanteng Gen San player. Meron pang ilang Bacoor players ang sinuntok, tinadyakan at sinipa sa ulo, pero ang pinakamalala ay ang nangyari kay King Destacamento na na-fracture ang ilong kaya dinala agad namin sa ospital.
Sa pagkakaalam ko, sinulatan na ng management ng Bacoor City Strikers ang MPBL sa liderato ni Commissioner Kenneth Duremdes para maimbestigahan ang pangyayari.
Balitang sasampahan din ng kaso ang mga Gen San players na nagsimula ng gulo (makasama kaya ang aktor na si Ervic Vijandre na medyo magulang ding maglaro?).
Pinaiimbestigahan na rin ang mga referee na tila pinipilit ipahabol sa Gen San players ang nasa 20 puntos na kalamangan ng Bacoor gayung less than two minutes na lang ang oras na nalalabi? Sa totoo lang, hindi lang ang MPBL ang masisira rito, kundi pati si Manny Pacquiao.
Teka, naalala ko pa, nu’ng kumakain pala kami ng dinner after the game (around 1:30 a.m. na dahil natapos ang laro ng 12 ng madalang araw), ay pinatayan kami ng aircon sa dining area ng hotel ni Pacman.
Well, gugustuhin pa ba naming bumalik sa Gen San at sa lugar ni Pacquiao? Kayo na po ang sumagot.
Ay siyanga pala, dapat din naming ipaalam kay Sen. Pacquiao na nu’ng pauwi na kami at patungong airport, nagkasya na kami sa pagrenta ng mga van na maghahatid sa amin sa airport to catch our Sunday morning flight dahil tinanggalan na kami ng bus na siyang pinagamit sa amin for two days.
What a very nice way to treat guests and visitors, noh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.