'Kalimutan muna ni Kris ang socmed para ma-miss siya ng publiko' | Bandera

‘Kalimutan muna ni Kris ang socmed para ma-miss siya ng publiko’

Cristy Fermin - March 23, 2019 - 11:48 PM

KRIS AQUINO

AYAW maniwala ng mga kaibigan namin na didistansiya na si Kris Aquino sa kanyang mga gadgets. Ilang beses na raw bang nangako si Kris na mananahimik na siya, pero lagi niya namang kinakain ang kanyang mga salita, kaya paniniwalaan pa raw ba nila ang bagong pangako ng aktres-TV host?

Nilinaw namin sa kanila na ang sinabi lang naman ni Kris ay hindi na siya ang magbibigay ng mga nagaganap sa demandahan nila ni Nicko Falcis.

Nagtalaga na siya ng isang abogado na magiging spokesman tungkol sa mga kaso, hindi na siya ang magbibigay ng balita tungkol sa away nila ni Nicko, ‘yun ang kanyang sinabi.

Pero sabi ng aming kausap, “Naku, ke tungkol man kay Falcis ‘yan o ano, hindi pa rin niya mapaninindigan ang sinabi niya! Wala na siyang credibility para sa amin!”

Nakakalungkot lang na parang hindi na nga pinaniniwalaan ng mga kababayan natin ang mga sinasabi ni Kris. Parang deadma na lang ang publiko sa kanyang mga pangako.

Ilang ulit na kasing nagsabi si Kris na hindi na siya magsasalita, pero panay-panay pa rin naman ang kanyang arya, kaya bumibitiw na ng paniniwala sa kanya ang mas nakararami.

Kung kami ang tatanungin ay mas mabuting dumistansiya muna siya sa kanyang mga social media accounts. Mas makagaganda sa kanya ang pananahimik, ang walang kahit anong ipino-post muna, mami-miss siya ng kanyang mga tagasuporta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending