Huli sa akto: Maine, Arjo enjoy na enjoy na nag-date sa Star City | Bandera

Huli sa akto: Maine, Arjo enjoy na enjoy na nag-date sa Star City

Ervin Santiago - March 22, 2019 - 03:28 PM

NAKUNAN ng litrato at video ng ilang netizen sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na nagde-date sa Star City sa Pasay recently.

Base sa mga pictures and video na ipinost sa social media ng mga nakasabay nina Arjo at Maine sa Star City, walang pakialam ang dalawa sa mga taong nakapaligid sa kanila at talagang in-enjoy lang ang kanilang date night.

Makikita sa mga litratong kumalat sa social media si Maine na nakasuot ng white long sleeves blouse at may face mask habang si Arjo naman ay naka-orange ng t-shirt with matching face mask din at cap.

Pero sa isa pang photo, makikita ang dalawa na naghihintay sa isang photo booth na wala nang suot na face mask. Parang wala na silang care kung marami ang makakilala sa kanila habang naglilibot sa nasabing theme park.

Kitang-kita naman sa isang video na tuwang-tuwa ang dalawa sa paglilibot sa Star City, nakunan pa si Arjo habang naglalaro ng basketball hoops at ang sabay nilang pagbaba mula sa Ferris wheel.

Base sa ilang comments ng netizens sa mga litrato nina Arjo at Maine, kasama rin nila ang kapatid ng Dubsmash Queen na si Coleen Mendoza at ang handler nitong si Mike Uycoco.

In fairness, talagang hinahanapan nina Arjo at Maine ng oras ang kanilang pagba-bonding sa kabila ng kanilang super busy schedule. Ibig sabihin, seryoso na talaga sila sa kung anumang relasyon meron sila.

Base naman sa mga comments ng netizens sa mga Star City date pictures nila, iilan lang ang mga nangnega, halos lahat ay positibo naman ang mga sinabi about the couple.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending